^

Pang Movies

Donita, bagong chef ng supermarket nila Krista sa Amerika!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Donita, bagong chef ng supermarket nila Krista sa Amerika!
Donita

Masayang in-announce ni Donita Rose sa Instagram ang bago niyang trabaho sa Amerika at ito ay ang maging corporate chef ng US-based Filipino supermarket na Island Pacific. Ang official title ni Donita ay “corporate R&D chef” o corporate research & development chef.”

Gamit ang produced ng Island Pacific, sabi ni Donita, dadalhin niya sa “next level” ang Philippine cuisine. Kasama ni Donita sa trabaho si G. Toengi na marketing and branding consultant ng chain of supermarket.

Sa IG post na ito ni Donita, mababasa ang post ni Krista Ranillo na “Welcome to the family Dee! JP is blessed to have you!” na ang tinutukoy ay ang anak ni Donita sa kanyang estranged husband.

Ang daming nag-congratulate sa dating actress / VJ sa kanyang bagong trabaho at lahat sila’y masaya para sa kanya. Ang Island Pacific ay pagmamay-ari ng family ng husband ni Krista.

Barbie, sa swab test lang ang pahinga

Teaser palang ng I Can See You: The Lookout ang ipinapalabas sa GMA 7, excited na ang Kapuso viewers, lalo na ang fans ni Barbie Forteza. Kakaiba ang karakter dito ni Barbie na mula sa pagiging lookout ay magiging witness sa isang krimen na hindi inaasahan. Sigurado raw na ibang husay sa pag-arte naman ang ipapakita nito sa viewers.

Isa pang ikina-e-excite ng fans ni Barbie, makakasama niya si Christopher de Leon na kabilang sa mga aktor na gustong makatrabaho ng marami. Nanghihinayang lang ang fans na five days lang ang series, mabibitin daw sila.

Sa Monday na (April 19-23) ang airing ng I Can See You: The Lookout na mula sa direction nina Jules Katanyag at LA Madridejos. Kasama naman sa cast sina Paul Salas, Elijah Alejo at Adrian Alandy.

Hindi nababakante ng project si Barbie at kundi umaarte, kumakanta at sumasayaw siya sa All-Out Sundays. Biro tuloy ng mom nito, swab test lang ang pahinga ng anak dahil habang naghihintay lang ng result ng swab test siya nagpapahinga.

Summer MMFF, hindi pa rin tuloy

May update si Noel Ferrer sa dapat sana’y gaganaping Summer MMFF. Hindi uli matutuloy ang Summer MMFF dahil bukod sa apektado ang filmmakers, hindi pa rin fully operational ang theaters sa NCR. Saka na lang itutuloy ang Summer MMFF kapag maayos na ang lahat.

This Friday, may announcement ang MMFF sa schedules at activities sa MMFF 2021 na ibig sabihin, tuloy. Sana naman, by December, bukas na ang mga sinehan dahil nakaka-miss manood ng pelikula sa loob ng sinehan.

Bagong serye nina Derek, Carla at Max, tomboyan ang peg

Kasama pa rin daw ang pangalan ni Derek Ramsay sa bagong teleserye ng GMA 7 na To Have and To Hold na tiyak na magiging kontrobersyal. 

Kaya pala nasabi naming magiging kontrobersyal ang To Have and To Hold dahil lesbian version daw ito ng My Husband’s Lover na tungkol sa gay relationship at sina Carla at Max ang magkakaroon ng relasyon. Si Derek na asawa ng isa sa mga karakter nina Carla at Max daw ang lolokohin at magiging ka-love triangle ng dalawang babae.

Naaliw kami sa bashers ni Derek dahil tuwang-tuwa na lolokohin ang karakter nito sa series. Kahit daw palabas lang, natutuwa sila na makakatikim ito kung paano lokohin. Makagaganti na raw si Andrea Torres.

Isa pang nakakaaliw na reaction ng netizens, mabuti raw at may asawa na si Max at engaged na si Carla dahil baka ma-fall sila kay Derek. Kaya ang payo ng netizens, ‘wag maging close sa aktor ang dalawang aktres.

Concerned naman ang Kapuso viewers sa magiging working relationship nina Max at Derek dahil close friends sina Max at Andrea.

O, ‘di ba? Ang daming pinoproblema ng netizens at Kapuso viewers kay Derek na deadma sa bashers basta masaya sila ni Ellen Adarna at maayos ang kanilang relasyon. Saka, engaged na rin naman si Derek kay Ellen.

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with