_pang-masa
^

Pang Movies

Baby bashers, pinaalalahanan ng demanda!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Baby bashers, pinaalalahanan ng demanda!
Markus at Jude

Idedemanda na ng Star Magic ang mga basher na idinadamay ang mga anak ng celebrity.

Nauna na ngang nabiktima ng baby bashing ang anak nina Janella Salvador and Markus Paterson.

Sumunod dito ang anak ni Carlo Aquino.

Pinaalala ng Star Magic na kasama sila ng kanilang artists sa paglaban sa sinumang posibleng lalabag sa  batas laban sa Child Abuse (Republic Act 7610).

Maaalalang naglabas ng galit sina Markus at Carlo sa ginawang panlalait sa kanilang mga baby.

Barbie at Diego, sobra ang pagka-in love

Umaapaw ang pagka-in love nina Diego Loyzaga and Barbie Imperial sa isa’t isa.

Kitang-kita ito sa mga post sa social media ni Diego.

Anyway, patapos na ang serye ni Barbie na Bagong Umaga habang si Diego ay abala sa mga trabaho sa Viva kasama na ang Encounter at Death of a Girlfriend.

At any rate, malakas nga ang paniniwala ni Tisay (Heaven Peralejo) na hindi nagpakamatay si Cai (Barbie Imperial) at patutunayan niya ito sa huling tatlong linggo ng Bagong Umaga.  

Nang huling magkausap nang harapan ang dalawa, hindi naman nagparamdam si Cai na siya ay magpapakamatay. Lalo pang lumakas ang kutob ni Tisay nang malaman na minadali ng nasabing ospital ang pagpapaembalsamo rito.  

Dala ng galit sa pagdidiin ni Tisay kay Cai sa pagkamatay ni Gab, sinisi pa ni Dodong ito (Yves Flores) sa nangyari. 

Hindi nila alam na tama ang hinala ni Tisay at talagang sinadyang patayin ni Diana (Glydel Mercado) si Cai bago pa nito mabunyag ang lahat ng ginawa niya.  

Mapatunayan kaya ni Tisay na si Diana ang may kagagawan nito?  

Sundan ang huling tatlong linggo ng serye.

JANELLA SALVADOR MARKUS PATERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with