^
Misis ni Gardo, âdi umeepal!

Misis ni Gardo, ‘di umeepal!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

Touching naman ‘yung gesture ng mag-asawang Gardo Versoza at Ivy.

Imagine sinulat ko lang at ipinost sa Instagram na gustung-gusto ko ng laing, eh expert cook pala si Gardo sa pagluluto nito, padadalhan na nila ako.

Hindi ko ma-imagine na sa busy sked ni Gardo, nagagawa pa rin niyang mag­luto ng mga pagkain, tulad ng nakikita ko sa IG nila na parang ang sarap-sarap ng caldereta at menudo na niluluto niya.

Mukhang ang saya-saya ng married life nina Gardo at Ivy, dahil ‘pag magkasama sila, luto at TikTok ang madalas nilang gawin. At very hands on sila sa anak nilang lalaki na mukhang very close sa kanila. Well-behaved ang bata at magalang, sign na may confidence dahil nga sa pagmamahal ng kanyang mommy at daddy.

Isang plus factor kay Gardo ang kanyang misis na si Ivy, dahil makikita mo na parang contented at peaceful ang buhay nila.

Si Ivy ang isang asawa ng celebrity na hindi maepal kaya naman mas naging maayos pa ang pakikitungo ni Gardo sa lahat. At sa husay magluto ni Gardo, sure ako na kung gugustuhin nilang magkaroon ng food business, magiging madali dahil alam na alam nila na nga ang magugustuhan ng tao.

A perfect couple, kaya sure winner ang pagsasama. Thank you sa laing, Mr. and Mrs. Gardo Versoza.

Mga pelikulang nagpapaiyak sa manonood, parang may magic

Totoo ‘yung sinasabi nila na sad movies and songs will make you cry. Talagang ‘yung pitik sa puso ‘pag napanood mo ang isang dramatic scene, sabayan pa ng malungkot na song sa background, imposible na hindi ka tamaan.

Iyon ang magic ng cinema at music, you feel it kahit pinapanood mo lang at pinakikinggan. Hindi ba hindi natin talaga alam ang feeling ng isang nawalan ng minamahal until sa iyo mismo mangyari iyon?

Iyon bang ‘pag una mong nakita ang isang namatay na mahal mo sa buhay, parang hindi mo matanggap dahil hindi mo aakalain na totoo pala na may namamatay na tao.

The first loss is usually the most painful. Kaya siguro iyon ang mas matagal sa memory mo. Kaya hanga ako sa mga gumagawa ng pelikula at show na unforgettable ang dramatic scenes, at sumusulat ng mga kanta na nagta-touch sa emosyon.

GARDO VERSOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with