^
Juancho, naghahanda na sa panganganak ni Joyce
Joyce

Juancho, naghahanda na sa panganganak ni Joyce

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 15, 2021 - 12:00am

Hindi raw muna tatanggap ng sunud-sunod na work sa TV si Juancho Trivino dahil gusto niyang bantayan at alagaan ang pagbubuntis ng misis niyang si Joyce Pring.

Nag-enroll nga raw sila sa isang birthing class at gusto ni Juancho ay lagi siyang present doon. “Marami kami inaatupag ngayon. Like informing ourselves sa mga protocols lalo na ‘pag lumapit na ‘yung due date ni Joyce. Masaya, very overwhelming process din,” sey ni Juancho.

Angelica, tuloy ang pakikipag­laban sa sakit

Nakikipaglaban ngayon ang pamilya ni Laguna 3rd district provincial board member Angelica Jones sa sakit na COVID-19. Pinost ni Angelica sa Facebook na nagkahawaan sa bahay nila kaya pati ang kanyang ina at ang kapatid ay nag-positive sa COVID-19.

Naka-confine sila ngayon sa San Pablo City District Hospital.

Nahirapan din daw silang makahanap ng ospital na tatanggap sa kanila. “Three days before po ako i-confine.... nauna i-confine ang aking ina mula lumabas ang result na positibo sa COVID. Kahit saan puno ang mga hospital ng COVID patients. Three days kami nag isolate ni Angelo sa house. Sobrang hirap ako sa paghinga akala ko katapusan ko na. Di ko po alam na may pneumonia at asthma ako nagpositibo sa Covid. Hinihiling ko po dalangin sa aking ina hanggang ngayon ay nasa ICU pa.”

Gal, ipinakita ang baby bump

Nasilip na ng netizens ang baby bump ni Wonder Woman star Gal Gadot habang nasa poolside ito ng kanilang bahay. Pinagbubuntis ni Gal ang ikatlong baby nila ng mister njyang si Yaron Varsano. “Working... on two major projects,” caption ni Gal sa Instagram post niya.

Pagkatapos ng Wonder Woman 1984, magkakaroon ito ng third sequel pero hindi pa sure kung kelan ito sisimulan dahil buntis sa taong ito si Gal.

JOYCE PRING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with