^
Angelica, noon pa gustong tantanan ang teleserye
Angelica

Angelica, noon pa gustong tantanan ang teleserye

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

Hindi biglaan ang decision ni Angelica Panganiban na umayaw na sa paggawa ng teleserye. At wala nang makakapigil sa kanya. “Siyempre bago ako umabot sa point na ‘yun maraming-marami naman akong kinonsider at bago naman talaga tanggapin itong show na ‘to, kumbaga nandun na ‘ko sa stage na kung ‘yung ginawa namin ni Z (Zanjoe Marrudo) na Play House iniisip ko ‘yun na ‘yun na ang magiging last project ko pagdating sa TV at magiging masaya na ako,” umpisa nito.

“Kumbaga gusto ko na siyang iwan nang ganun kaya lang ang nangyari siyempre ‘yung pandemic. So parang sino ba naman ako para tumanggi sa trabaho samantalang ang dami-daming nanghihingi ng trabaho ‘di ba.

“So siguro ‘yun din ayoko kong magsalita ng tapos pero malay mo dumating 20 years from now meron akong role na hindi ko talaga ma-resist kumbaga kaya kong lunukin ‘yung pride ko at ‘yung paninindigan ko. Then, wala naman sigurong mawawala sa akin pero siguro ngayon ‘yun pa rin desisyon ko. Siguro kasi for almost 30 years, ito naman ‘yung ginawa ko so parang sa kalahati ng buhay ko gusto naman ibigay sa sarili ko ‘yung deserve ko naman sigurong magpahinga pagdating sa paggawa ng teleserye,” mahabang paliwanag ng aktres the other night Walang Hanggang Paalam finale media conference.

Kung sabagay, ang dami na rin naman kasing baguhang artista.

Richard pinaghahandaan si Heart

Isa ang Kapuso actor na si Richard Yap sa magiging leading men ni Heart Evangelista sa upcoming series ng GMA na I Left My Heart in Sorsogon.

Kuwento ni Richard, nae-excite na raw siya sa tambalan niya, “Of course, I was really very surprised that they offered to pair me with Heart because that was one of my wishes, one of the things on my wishlist, working with Heart. Noong sinabi sa akin, I was very happy to know about it and this is something that I really look forward to.”

Sa ngayon ay abala si Richard sa paghahanda sa kanyang magiging role.

Sa Sorsogon sila magla-lock in taping at naayos na raw ang mga lugar na pagsu-shootingan nila.

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with