^
Alden, pinagmu-move on ng KathNiel fans
Alden

Alden, pinagmu-move on ng KathNiel fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

Hindi agad nakapagsalita si Alden Richards nang malamang may isa siyang female fan na sa sobrang pagmamahal sa kanya, ipina-tattoo ang kanyang pangalan sa braso nito. Nalaman ni Alden ang tungkol dito nang mag-guest siya sa Mars Pa More at habang busy sa cake decorating channel, sume-segue sa pagsagot sa tweets ng kanyang fans.

Isa sa fan ni Alden na naka-convo niya sa Twitter ang nagkuwento na naka-tattoo sa braso ni April Ann Suayan ang “Alden Richards RRF JR” na nang kanyang makita, sobrang na-overwhelm si Alden.

“Grabe naman’to. April, thank you. Sobrang thank you,” wika ni Alden na hindi nakapagsalita nang diretso.

“But... minsan talaga ‘pag... Nahihiya kasi ako ‘pag ganito, e. Parang wala akong... Speechless ako. Sobrang speechless. Thank you,” paulit-ulit na pasasalamat ni Alden.

And speaking of Alden, dahil sa post nito sa Instagram na “Feeling barista” at comment ni Joross Gamboa na “Ethan,” na-bash na naman ang Kapuso actor. May nag-react kasing KathNiel fan, pinagmu-move on si Alden at ang fans nito dahil inakalang ang role niya sa movie na Hello, Love, Goodbye ang tinukoy ni Alden sa kanyang post. May new movie na raw si Joy (Kathryn Bernardo) with Daniel, kaya tumigil na sina Joross, Alden at fans nito.

Sagot ng fans ni Alden, bakit hindi sila kay Joross magalit dahil ito ang nagbanggit ng Ethan (name ng character ni Alden sa HLG movie) na totoo naman.

Gab, ngayon lang inaming nagka-COVID 

COVID survivor pala si Gab Valenciano na nagka- COVID last November. Pinost ni Gab sa kanyang Instagram ang pagkakasakit at ang rason kung bakit niya inilihim ang tungkol dito. “I tested positive for COVID-19 and chose to keep it strictly between fa­mily and friends for very personal reasons. It wasn’t severe in any way and I fully recovered by following all protocols and by the full support of my loved ones, even from afar. I never planned to post about it till today because right now, WE NEED HEROES.”

Nanawagan si Gab na gaya niya, mag-donate ng plasma ang mga gumaling na sa COVID. Convalescent Plasma Donation ang kanyang panawagan. Kapag na-inject sa patient na kritikal ang condition ang plasma, nakakatulong ito na labanan ang virus at nagpapagaling.

“Once you contract the virus and recover from it, you now have antibodies in your blood which gives you the opportunity to be a hero and save lies,” dagdag ni Gab.

Gumaling din sa COVID ang mom ni Gab na si Angeli Valenciano at sa post nito, pinasalamatan si Antipolo Mayor Andeng Ynares na tumulong sa kanila sa pinagdaanang midnight crisis. Sa post ni Angeli, parang nadala siya sa St. Luke’s BGC at pinasalamatan ang doctors, nurses, and med tech na nag-alaga sa kanya.

Sofia, naging kamukha ni Heart

Fifteen years old na si Sofia Pablo sa birthday niya noong April 10, kaya sa Book 2 ng Prima Donnas, kasama na uli siya at ang karakter niya.

Nagkaroon ng Pajama Party to celebrate Sofia’s 15th birthday at nagkaroon din siya ng photoshoot na Bohemian ang concept. May anggulo si Sofia sa mga larawan na kamukha siya ni Heart Evangelista at napansin ‘yun ng kanyang followers.

Napansin lang sa lumabas na photos na wala sa kanyang party ang mga kasama sa Prima Donnas. Dahil na rin siguro sa araw ng kanyang kaarawan, nasa ECQ pa ang Metro Manila, kaya hindi siya nakapag-imbita.

Anak nina Dingdong at Marian, ‘di pa rin makakapag-celebrate ng birthday

Ang touching message ni Dingdong Dantes sa anak na si Zia na “Hey Z, not too fast please— on the bike and, oh well, in growing up” habang nakasakay sa bike ang anak.

Sa isa pang post, ang anak na lalake namang si Jose Sixto Dantes IV ang pinost ni Dingdong at may caption na “Countdown na sa birthday mo, Joselito.” Second birthday na ni Sixto sa April 16.

Lumalaki na nga ang dalawang anak nina Dingdong at Marian, si Zia ay five years old na at si Sixto na “Joselito” ang gustong itawag ni Dingdong bukod sa Sixto at kagaya last year, hindi pa rin maise-celebrate nang maayos ng bagets ang kaarawan dahil may pandemic pa rin.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with