^
Mag-amang Cesar at Diego, âdi pa rin nagkakaayos!
Cesar

Mag-amang Cesar at Diego, ‘di pa rin nagkakaayos!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

Obvious sa 25-year-old old actor na si Diego Loyzaga ang kanyang pagiging in love at inspired ngayon dahil sa kanyang kasintahang si Barbie Imperial.

Ang binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva matapos siyang maging talent ng Star Magic ng ABS-CBN sa loob ng ilang taon.

Mukhang hindi naman nagkamali si Diego sa kanyang naging desisyon dahil sunud-sunod na proyekto ang ibinigay sa kanya ng Viva, ang TV series na Encounter with Cristine Reyes na palabas sa TV5 at ang bagong movie niyang Death of A Girlfriend, isang mystery love story kung saan niya kabituin ang 26-year-old daughter ni Jeric Raval na si AJ Raval. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas.

Since may mga intimate scenes sina Diego at AJ sa Death of a Girlfriend ay sumailalim silang dalawa ng sensual workshop at natuwa naman si Direk Yam sa resulta nito.

Kahit bago pa lamang ang relasyon nina Diego at Barbie, umaasa ang una na sana’y mag-last ang kanilang pag-iibigan lalo pa’t nakikita ng actor ang pagiging wife material ni Barbie. Pero malayo pa umano sa kanilang isipan ang pag-aasawa dahil pareho pa silang focused ngayon sa kanilang respective career.

Ayon kay Diego, napaka-caring umano ni Barbie bilang girlfriend.

Samantala, mukhang hindi pa on speaking terms hanggang ngayon si Diego with his dad na si Cesar Montano pero umaasa ang binata na magiging okey rin sila ng kanyang ama balang araw.

Kaye at Paul Jake, naka-baby boy na naman

Baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ng aktres na si Kaye Abad sa kanyang husband, ang ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor na si Paul Jake Castillo. Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Joaquin ay three years old na.

Magmula nang ikasal sina Kaye at Paul Jake ay sa Cebu na sila naka-base kung saan nagmula ang huli tulad din nina Donna Cruz at ex-wife ni Paolo Contis na si Lian Paz.

Si Donna ay sa Cebu na rin nag-base magmula nang siya’y magpakasal sa kanyang Cebuano doctor husband na si Dr. Yong Larrazabal in 1998. Sa Cebu na rin ngayon naka-base si Lian kasama ang dalawa niyang anak sa ex-husband na si Paolo na si Xonia at Xalene at ang fiancé, ang cager at businessman na si John Cabahug kung kanino siya may isa nang anak, ang five-year-old na si Nina Angela.

Si John ay nag-propose kay Lian noong February 23, 2021. Ang ex-husband naman ni Lian na si Paolo Contis ay may isa na ring anak na babae sa partner nito ngayon, ang Kapuso actress na si LJ Reyes, ang two-year-old na si Summer Ayanna. Si LJ naman has a 10-year-old son sa actor na si Paulo Avelino na si Aki.

Direk Darryl, laging target ng bashers

Walang alinlangan na ang 35-year-old writer-director na si Darryl Yap ang pinaka-busy ngayon among the movie directors dahil kabi-kabila ang mga proyekto nito ngayon sa bakuran ng Viva na kanyang sinimulan sa hit launching movie ng singer-actress na si Kim Molina, ang Jowable na ipinalabas noong September 2019. 

Agad itong nasundan ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar ang unang pelikula na ipinalabas sa streaming app ng Viva, ang Vivamax, last January 29, 2020 kasunod ang Tililing.

Tapos na ring gawin ni Direk Darryl ang Revirginized, ang comeback movie ng Megastar na si Sharon Cuneta kung saan din tampok sina Albert Martinez, Rosanna Roces, Marco Gumabao at ang nagbabalik-showbiz na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez na nasa post production na ngayon.

Nakapagsimula na rin ang young writer-director na bago nitong movie project, ang Gluta kung saan tampok sina Cristina Gonzalez, Ella Cruz, Marco Gallo, Arlene Muhlach at iba pa. Nasa planning stage na rin umano ang part 2 ng  Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Si Direk Darryl din ang direktor ng tumatakbong rant serye sa Vivamax na Kung Pwede Lang kung saan din isa sa mga tampok na bituin ay ang paborito niyang aktres na si Rosanna Roces.

Hindi pinapansin ni Direk Darryl ang mga namba-bash sa kanya dahil mas naka-focus ang kanyang attention sa mga proyektong kanyang ginagawa at sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Viva at ng mga aktor na kanyang nakakatrabaho sa kanyang mga proyekto.

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with