^

Pang Movies

Anne at Angel, walang ­ingay nang magbigay ng 1M!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anne at Angel, walang ­ingay nang magbigay ng 1M!
Angel

Napuri ni Pasig Mayor Vico Sotto sina Anne Curtis and Angel Locsin na nag-donate ng P1 million each pero hindi nag-ingay at basta na lang iniwan ang check sa kanyang office.

Ni hindi nga raw sila nagkita-kita sabi ni Mayor Vico sa kanyang Facebook live kahapon.

Kaya naman pinasalamatan nito sina Angel at Anne na nanguna nga sa Shop & Share program kung saan sila naka-raise ng P6 million at hinati nga nila ito sa limang local governments na nakikita nilang nasa tamang process ang pagbibigay ng bakuna kasama na ang Quezon City, Pasig at ang Red Cross.

Well, malabong gawan ng issue si Mayor Vico kina Anne and Angel.

Maalalang nag-donate rin sa Pasig si Bea Alonzo at nagkaroon sila ng chance na mag-pictorial kaya na-link si Mayor Vico.

Pero itinanggi naman ito ng camp ng alkalde dahil wala raw time sa love ang pulitikong anak nina Coney Reyes and Vic Sotto sa tambak nitong trabaho.

Samantala, na-mention din ni Mayor Vico ang tungkol sa mga nagpapadala sa kanya ng photos habang binabakunahan sa puwet.

Hahaha. “Ang dami ko na pong iniisip, ‘wag n’yo na pong idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko,” pakiusap nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with