^

Taping ibabalik na ba sa MECQ?Jennylyn and Dennis, ire-replay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na uli sa NCR plus kaya maraming nag-e-expect na magre-resume na naman ang iba sa taping.

Nagkaroon ng suspension sa taping nang mag-ECQ for two weeks at dumami ang nai-infect ng virus kahit sa mga lock-in taping na ang iba raw kasi ay nagluwag kaya nalusutan ng virus.

Wala na raw exit swab at ‘yung ibang taping, optional na ang swabbing kaya nagkaganun. Kahapon ay 11,681 ang additional new cases kaya marami pa rin ang takot ngang maglalabas.

Anyway, ang GMA ibabalik muna ang ilang programa tulad ng I Can See You: Truly. Madly. Deadly sa GMA Telebabad simula ngayong Lunes. 

Ang Truly. Madly. Deadly. ang huling installment mula sa unang season ng groundbreaking drama series na I Can See You kung saan tampok sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. 

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa siyudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay. Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian). 

Samantala, nitong nakaraang buwan ay nag-trending ang nasabing I Can See You episode sa streaming platform na Netflix.

Mapapanood ito pagkatapos ng First Yaya beginning tonight. 

Star Magic artists, may bagong tambayan 

Hitik sa real talk, musika, at iba pa ang bagong hangout ng ABS-CBN artists na  Star Magic Tambayan na eksklusibong napapanood sa SeenZone channel, Lunes Hanggang Sabado, 2 pm sa Pinoy livestreaming app na kumu.

Pagkakataon na nina Migo Manikan at Bianca de Vera na bumida sa SeenZone sa Lunes (April 12), KD Estrada at Mark Rivera sa Martes (April 13), Reich Alim at Gigi Delana sa Miyerkules (April 14), Alora at Anji Salvacion sa April 15 (Huwebes), Andre Brouillete at Miko Canosa sa April 16 (Biyernes), at Jamie Salenga at SAB sa April 17 (Sabado).

Samantala, hindi lang boses ang ibibida ni Carla Guevara-Laforteza sa food block ng SeenZone na Tikimmm kungdi pati na rin cooking tips at recipes. Mapapanood ang theater actress-singer na nagluluto ng mga bagong dishes habang ipinaparinig ang ilang awitin tuwing Martes at Huwebes, 12:30 pm.

Ang SeenZone na nga ang bagong all-star, all-day tambayan channel ng ABS-CBN sa lumalaking Kumunity tampok ang iba’t ibang Kapamilya streamers mula Lunes hanggang Sabado, 10:30am hanggang gabi.

MECQ NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with