_pang-masa
^

Nakaraan nina Gerald at Bea, nakadikit na kina Julia at Dominic

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Ayaw talagang matapos ang issue sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Siguro nga totoo na ‘yung matinding love mo, ganundin ka-intense ang hatred mo ‘pag nabigo. Mukha ngang ito lang ang relasyon na meron nang iba si Gerald, at mukhang at peace na si Bea, pero ayaw maputol ng tie that binds them.

Isang salita ni Bea, ibabaling kay Gerald, isang comment kay Gerald, ibabato kay Bea. Tulad nga ng kasabihan na lahat ng path towards happiness is full of bumpy roads, ito nga siguro ang pagdaraanan ng magi­ging kapalit na happiness sa naganap na breakup nina Gerald at Bea.

Siguro nga, kahit nasa process na sila ng moving on hindi pa rin maiiwasan ‘yung intriga sa naganap na breakup nila. I can feel na frustrated sina Julia Barretto at Dominic Roque dahil parang kahit anong gawin nila, hindi mawala ‘yung shadow nina Gerald at Bea sa isa’t isa.

Marami pang mga magaganap bago tuluyang mabura ito, pero ‘pag talagang para sa iyo, in the end, kayo pa rin. Dapat lang ipakita nila ang tatag, para matanggap na ng tao na ito na, may bago na kaming mahal. Past is past, don’t look back. Move forward. 

Beautederm ambassadors, tuloy ang pagdami

Talagang hindi mapigilan ang Beautederm ni Rhea Tan kahit na ECQ o enhanced community quarantine, tuloy pa rin ang pictorial na ginawa niya sa bagong ambassador na si Ruru Madrid. Good choice rin si Ruru dahil maganda ang skin at maganda ang physique.

Isa si Ruru Madrid sa maalaga pagdating sa katawan, kaya hindi mo nakitang overweight o hindi fit. Mahusay ding actor si Ruru kaya marami siyang project at very professional sa trabaho. Maganda siyang addition sa maraming ambassadors ng Beautederm at mukhang favorite siya ni Mylene na confidante ni Rhea Tan. Welcome, Ruru Madrid, sa Beautederm.

BEA ALONZO GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with