^
Alice, matagal pinangarap na magkaanak
Alice

Alice, matagal pinangarap na magkaanak

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Cherished dream ni Alice Dixson ang magkaanak.

Dadalawa lang silang magkapatid.

Ngunit hindi nagkaroon ng katuparan, kahit more than 10 years din silang nagsama ng kanyang napangasawa, a Filipino, na resident ng Canada.

Now 51 years old, finally isa nang ganap na ina si Alice. Babae ang panganay nila ng kanyang current partner, na reportedly ay isang foreigner and executive of a prominent hotel in the province.

But the baby daw is abroad pa.

Na obviously, siyang dahilan why Alice have to take time na mag-absent muna sa kanyang taping for her series, Legal Wives, co-starring her with Dennis Trillo, Bianca Umali at Andrea Torres.

Dating Antipolo mayor Jun Ynares, na-COVID din

Inamin ni Senator Bong Revilla na may sakit nga ang kanyang bayaw na si former Antipolo Mayor, na isa ring doctor, na si Junjun Ynares.

Asawa si Dok Jun ni Andeng Ynares, kapatid ni Senator Bong at siyang seating mayor ng Antipolo.

Dok Jun has been a mayor of Antipolo for three terms.

Currently, though, he serves as an executive assistant to his mayor wife.

As a doctor, Mayor Jun took active part in disseminating information to their Antipolo constituents about the coronavirus.

May mga pagkakataong nakikisalamuha siya sa residents ng Antipolo, na posibleng hindi niya alam ay afflicted with the virus. “Let’s pray for him na ma-overcome niya kaagad ang virus,” ani Senator Bong. “Kailangan natin ng mga taong tulad ni Doc Jun sa mga pagkakataong ito.”

AJ, ayaw ng tatay maging sexy star

Kontra pala si Jeric Raval na makilalang sexy star ang anak na si AJ Raval.

No kidding, but AJ has the making of one, yes, a sexy star, yes, based on her first appearance in the bold movie, Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, co-starring her with Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces at Alma Moreno, all well-known sexy star in their time.

Kaya, thank God, ani AJ, her soon-to-be released film, Death of a Girlfriend, co-starring her with Diego Loyzaga, plus Yam Laranas as director, is a mystery thriller.

AJ has also been added to the cast of the top action series, FPJ’s Ang Probinsyano, topbilled by Coco Martin.

Of Jeric, he was an action star in his time.

Two of his memorable action films were Hitman at Bunso: Isinilang Kang Palaban!, filmed in 1995 and 1998, respectively.

Jeric reportedly has 18 children kasama na ang mga anak kay Monica Herrera. One of whom is AJ, whose mom is not Monica.

ALICE DIXSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with