^
Heaven, grabe ang pinagdaanan sa COVID
Heaven

Heaven, grabe ang pinagdaanan sa COVID

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Tinamaan din pala ng COVID-19 ang isa sa bida ng seryeng Bagong Umaga na si Heaven Peralejo. Sa kanyang latest vlog uploaded last Saturday, ibinahagi ng young actress ang naging journey niya sa nasabing killer virus and the good news is magaling na siya ngayon.

“One of the toughest challenges I have dealt with during this pandemic is personally getting tested positive for coronavirus. I’d like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty.

“And to everyone else, this video is to provide awareness that COVID is real and it should be taken seriously.

“I am now a COVID-19 Survivor. Sending my love & prayers to everybody going through these difficult times,” ang pahayag ni Heaven sa description box.

Sa bahay lang nag-quarantine si Heaven at makikita sa kanyang vlog na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan dahil humina talaga ang oxygen level niya at dumating sa point na hindi na siya halos makapagsalita at nahihirapan siyang huminga.

Si Heaven na mismo ang nagkabit ng kanyang oxygen support but in the end, talagang kinailangan niyang magpa-confine sa hospital dahil may problema raw siya sa puso.

“So, after consulting with my doctors and talking to my family, we have decided to go to the hospital. Thankfully, we found a hospital and ABS-CBN provided us with an ambulance,” pahayag ni Heaven.

Sa kanyang vlog ay nabanggit din ng young actress na labis siyang naapektuhan ng bashings sa kanya recently. Isa nga sa akusasyon lately sa kanya ay siya raw ang dahilan ng breakup nina Devon Seron at Kiko Estrada.

“To be honest, last night parang nasaan na ‘yung will to live? Coz you know sa totoo lang, I’ve been through a lot of bashings and I don’t know, may effect pala siya. And ngayon lang siya nagsi-sink-in sa akin lahat since I’m all alone,” sey ni Heaven.

Dagdag pa niya, “I’m just saying na you know, words, even if it’s not true, it still affects, naapektuhan pa rin ako to be honest. And ngayon ko lang io-open up ‘tong issue na ‘to.”

Bagama’t nakikita raw nating parang masaya siya sa social media, deep inside ay nasasaktan daw siya.

Sa sobrang dami raw ng mga nangyayari sa kanya ay parang nawawalan na siya ng ganang mabuhay. Pero pinayuhan daw siya ng kanyang friends at binigyan ng encouragement.

“Sa lahat ng nangyari sa akin within these past few weeks and days, issues, problems, and you know, everything, COVID, work, life basically. Natutunan ko ro’n is how you rise up, I think that’s one lesson I got from everything that’s happening right now,” she said.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with