^
Erap, binawalang uminom ng Ivermectin
Erap

Erap, binawalang uminom ng Ivermectin

Gorgy Rula (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maganda na ang ipinu-post ng dating Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang Facebook account na update sa kalagayan ng kanilang amang si dating Pres. Joseph Estrada.

Improving ang kalagayan ng kanilang ama, at sabi nga niya sa huling post niya; “My father continues to be stable on high flow oxygen support. He will be started on passive exercises today to help him recover faster.”

Kailangan daw niyang magbigay ng update palagi, lalo na sa mga kapatid niya.

Sa katunayan, gumawa raw siya ng group chat nilang lahat na magkakapatid para updated daw silang lahat. “Nag-form ako ng group chat naming lahat na magkakapatid, pati sa mga kapatid ko sa Amerika. Kumpleto kami dun,” pakli niya.

Karapatan naman daw ng mga kapatid niya na malaman ang kalagayan ng kanilang ama.

 “Kahit papano mga kapatid ko naman ‘yan and they ought to know it,” dagdag niyang pahayag nang makapanayam namin sa DZRH noong Biyernes ng gabi.

Nilinaw nga ni Sen. Jinggoy na lahat ng mga kapatid kabilang na roon ang dati ring Senador na si JV Ejercito.

Nagkaroon pa kasi sila ng isyu recently dahil nagpa-interview si Sen. JV, at ipinost niya sa kanyang Twitter account na sinita raw siya ng isa niyang kapatid.

Kinlaro ni Sen. Jinggoy na hindi raw siya ang nakausap ni JV.

“Meron kasi siyang pinost na tinutukoy niya na meron daw siyang sibling na tumawag, and their conversation did not get well.

“Gusto kong ipaliwanag na hindi po ako ‘yung tumawag. Hindi po ako tumawag sa kanya,” paglilinaw ng dating senador.

Samantala, tinanong din namin si Sen. Jinggoy kung willing ba silang ipapa-take ng gamot na Ivermectin ang daddy nila.

Open na open ang dati ring senador Juan Ponce Enrile na ang Ivermectin daw ang nagpagaling sa kanya.

Sagot sa amin ni Jinggoy; “Alam mo kinausap ko ‘yung doktor. Sabi nung doktor.

“Sabi niya sa akin, huwag na huwag mong gagamitan ng Ivermectin ‘yung daddy mo. Para lang sa mga hayop ‘yan. Your Dad is not a dog. “Siyempre mas maniniwala ako dun sa dalubhasa.”

Migo, napagod na sa quarantine

Muling nilinaw sa amin ng taga-GMA Artist Center na hindi pa talaga tuluyang iiwan ni Migo Adecer ang showbiz. Naintindihan daw nila ang young actor nang magpaalam sa kanila noong nakaraang buwan pa. Isang taon na siyang naka-qurantine na mag-isa lang sa kanyang condo kaya naintindihan nila ito. Hindi naman siya madadalaw ng pamilya niya ritong nakabase sa Australia dahil sa kalagayan natin.

Lalo pang tumataas ang kaso ng COVID-19 at iniisip daw ni Migo na paano kung sakaling magkasakit siya. Mag-isa lang siya rito sa bansa at walang pamilyang mag-aalaga sa kanya kaya maaaring dala na rin ng anxiety kaya mas ginusto nitong makasama ang pamilya.

Kaya pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday at ilang guestings, pinayagan na raw nilang umuwi muna ito sa Australia. Willing naman daw bumalik si Migo kung talagang may maganda na siyang project na gagawin dito.

Sinabi rin daw niya sa mga taga-GMA na kung sakaling may GMA Pinoy TV sa Australia, willing siyang maging part nito.

Kaya naniniwala silang hindi kayang talikuran ni Migo ang showbiz.

Nagpasalamat din si Migo sa mga kaibigan niyang artista na all-out din ang suporta sa kanyang desisyon.

Tampok si Migo at ang ka-loveteam niyang si Kate Valdez sa second installment ng My Fantastic Pag-ibig sa GTV na pinamagatang Exchange of Hearts.

May special participation din sila ni Kate sa bagong drama series ni Julie Anne San Jose na Heartful Café na mapapanood din sa GTV. 

JINGGOY ESTRADA JOSEPH ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with