^
Kris, malapit kay Joshua ang lilipatang bahay!
Kris

Kris, malapit kay Joshua ang lilipatang bahay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

May mensahe si Kris Aquino sa mga basher nila ng kanyang mga anak na isinabay sa Araw ng Kagitingan. Sorry na lang daw sa mga basher, pero hindi n’yo napaiyak ang mga anak niya, lalo na si Bimby na kung anu-ano ang ipinukol. Ang nanay (Kris) ang umiyak. Pero, tama na raw ‘yun, hindi na mauulit.

Ibinalita na rin ni Kris na nakahanap na siya ng bahay na lilipatan nila ni Bimby, pero aayusin pa dahil dito sila titira nang matagal. Ang maganda sa nahanap na bahay, malapit lang kay Josh na sa Tarlac na nakatira.

May nabanggit pa si Kris na hindi siya madidiktahan kung sino ang kanyang mamahalin. Basta umoo ang ate niya at si Bimby, okay sa kanya. Sorry na lang daw sa mga hindi aprubado sa ate niya at kay Bimby. Sino kaya ang masuwerteng guy na aprubado kina Bimby at sa ate niya?

Kakai, hindi na kinaya ang ­social media

Deactivated na ang Twitter account ni Kakai Bautista at  dahil ‘yun sa naapektuhan siya sa pamba-bash sa kanya sa naging isyu niya sa management ng Thai actor na si Mario Maurer. Kesa patuloy na ma-stress at masaktan, dineactivate na lang ni Kakai ang Twitter account niya at saka na lang i-open uli kapag nakalimutan na ang isyu.

Ayon kay Kakai sa kuwentuhan nila nina Chariz Solomon at Betong Sumaya sa Kapuso Artistambayan, kung iisipin niya ang lahat ng isyu sa kanya, kasama ang bashing, mababaliw siya.

Hindi lang naman isyu niya sa management ni Mario at pamba-bash ang nakakaapekto sa kanya, pati ang nangyayari sa bansa at ang patuloy nating hinaharap na pandemic dahil sa COVID.

Totoo naman ang sinabi ng isa sa cast ng First Yaya na kailangan nating lahat ang magdasal at maging strong. Ang faith lang natin sa Diyos, paniwala sa sarili at maging matapang ang makatutulong sa ating lahat. “It’s your faith that will really save you,” ani Kakai.

Ryan, napuri sa kasimplehan ng birthday celeb

Pinansin ng netizens ang nakitang handa sa April 10th birthday ni Ryan Agoncillo, simple lang daw at ang nakita lang nila sa mesa ay dalawang klase ng birthday cakes at different fruits. Saka, family lang ni Ryan ang present at ilang kaibigan.

Siguro naman may iba pang food na handa si Ryan, lalo na at si Judy Ann Santos ang wife niya. Baka hindi na lang ipinakita, pero nakabibilib nga ang kasimplehan ng birthday celebration ni Ryan dala na rin ng pandemic.

Ang iksi rin ng birthday message ni Judy Ann kay Ryan, pero puno ng pagmamahal dahil ang sabi, “My love... my forever.. (wala namang choice) i love you... happy birthday... my happiness.”

Samantala, may pinost si Ryan na larawan ni Judy Ann na walang makeup at lumabas ang ganda ng aktres. Comment ng netizens, gandang natural ng aktres na kering magpakuha ng litrato ng walang makeup.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with