_pang-masa
^
Dating beauty queen, naka-recover sa sakit
Rosemarie

Dating beauty queen, naka-recover sa sakit

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

Masaya ang dating beauty queen turned actress-singer na si Rosemarie de Vera nang malampasan ang isang matinding pagsubok na karamdaman habang nasa Amerika. Dinala si Rose sa ospital at maagang nalapatan ng lunas. Nagsilbing birthday gift daw ito galing kay Lord.

Take note, hindi COVID ang sakit ni Rose ngayon, ‘di gaya ng madalas nating marinig na basta dinala sa ospital ay COVID agad ang tawag. Mahal kasi ang binabayaran kapag COVID ang naging sakit kaya naman marami ang nagpapagaling na lang sa kani-kanilang bahay.

Kaarawan din ng mommy ni Rose kaya doble rin ang happiness na dulot ng kanyang paggaling. Hindi rin siya pinabayaan ng kanyang husband na si Giovanni Javier na isang Bulakenyo, ganoon din ang mga anak niya na nagbantay sa kanya habang nagpapagaling sa ospital.

LT pinasikip ang mundo

Sumikip ang mundong ginagalawan ni Lorna Tolentino sa palasyong inambisyon niyang matirahan kasama ang gumaganap na pangulo na si Rowell Santiago sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Magmula noong ma-involve si Ara Mina sa serye, naging panibagong attraction siya sa paningin at pagmamahal ni Rowell. Maging ang komedyanteng si Whitney Tyson ay parang tinik sa dibdib ni Lorna. Alam kasi ng komedyana ang masamang pagtatangka ni Lorna kay Rowell sa istorya ng serye.

Marami ang nakakapansin na bagong plantsado na ang isinusuot na jacket ng bida ng serye na si Coco Martin na tila wala nang gusot o lukot ang mga ito. Sino na kaya ang namamahala sa isinusuot ng aktor sa programa?

Lovi at Rocco, tanggap na ang nakaraan

Sa totoo lang, showbiz na showbiz ang sagot nina Lovi Poe at Rocco Nacino na mu­ling magkasama sa Kapuso seryeng Owe My Love.

Ayon sa kuwento, tapos na ang tungkol sa kanilang past relationship, subalit hindi ba nila alam ang kasabihan “first love never dies”? Hanggang saan kaya makaka-pretend ang dalawa na balewala na ang nakaraan sa kanila.

Well, may kanya-kanya na rin silang bagong karelasyon at ang aktor nga ay kinasal na kama­kailan sa volleyball player na si Melissa Gohing, at ang aktres naman ay ka-LDR ang US-based na si Monty Blencowe.

Dating miyembro ng Escolta Boys, umasenso

Dalawang member ng Escolta Boys ang sinu­werteng magkaroon ng magandang buhay. Pinamahalaan noon nina Nap Alip na based in Canada na ngayon at Roland Lerum. Ang tinutukoy na sinuwerte ay sina Bernard Malonzo na nagma-manage ng isang five-star hotel ngayon sa Saipan.

Dating may catering sina Bernard at napakinabangan ang bagay na ito sa abroad. Pinsan siya ni Caloocan ex-mayor Rey Malonzo.

Ang isa pang member ng Escolta Boys na sinuwerte ay si Ariel Araullo na dating action star at father ng Kapuso star na si Lovely Abella, na dati ring Wowowin dancer.

Ilan sa mga miyembro rin ng Escolta Boys ay sina Leo Lazaro, Jeric Vasquez, Gerry Roman, Dennis Izla, Arlan Ysrael, Jess Bernardo at Bobby Benitez, na isa nang movie director ngayon.

ROSEMARIE DE VERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with