^

Pang Movies

Jessica, pinalalakas ang ‘very weak’ na baga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jessica, pinalalakas ang �very weak� na baga!
Jessica

Sobra pala ang pag-iingat ni Jessica Soho ngayong pandemic dahil weak ang lungs niya at “very weak” pa nga ang description ng host ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanyang baga. Dumaan na raw siya sa two serious bouts of pneumonia, kaya kailangan niyang maging careful sa kanyang kalusugan.

Nabanggit ni Jessica ang medical conditions niya sa interview sa kanya ni Howie Severino sa first episode ng podcast nito. Kaya tuwing may assignment na haharap siya sa maraming tao, istrikto niyang sinusunod ang safety protocols.

Nang ma-interview nga raw niya si VP Leni Robredo, dumistansya siya rito bagay na naintindihan ni VP Leni. “Kailangan kong magtrabaho. But most of the time, you know, I’ve been trying to take good care of my health talaga. I’ve been doing some workouts to improve my lungs,” sabi ni Jessica.

Dennis, gumaling na sa COVID

Magaling na sa COVID si Dennis Padilla at sa  isa nitong video, pinasalamatan ang mga nagdasal sa kanya at sa mga doctor at frontliners ng Capitol Medical Center kung saan siya na-confine ng ilang araw.

Hindi na nabanggit ni Dennis kung paano siya nagka-COVID, pero ang naalala namin, bago siya magkasakit, pinost pa sa kanyang Instagram account na nagpa-swab test siya dahil may gagawing bagong show sa isang network. After that, nabalitang nasa hospital na siya.

Mabuti na lang at tigil ang mga taping ngayon, kabilang ang show na dapat kasama si Dennis. Sana naman, hindi siya inalis sa cast dahil magaling na naman ang komedyante at puwede na siyang mag-taping kapag nag-resume na.

Ngipin ni Heart, napagkamalang artificial

Ang kapatid ni Heart Evangelista na si Camille Ongpauco ang sumagot sa basher na nag-comment na maarte at yumabang ang Kapuso aktres mula nang makapag-asawa ng senador at ngayon ay gobernador. Feeling rich daw si Heart dahil lang nag-post na susubo nang ini-endorse na Red Ribbon Cake.

Sagot ni Camille sa lalakeng basher, “Excuse me mahiya ka naman sa mukha mo. Who are you to comment?! You don’t like her? Then stop freakin following her. It’s as simple as that.”

Actually, hindi lang si Camille ang nagdepensa kay Heart, pati followers nito na ipinaalala sa basher na mayaman na si Heart at Ongpauco na siya bago pa naging Escudero. Nahimasmasan yata ang basher at hindi na humirit.

Pansin lang namin, ang daming time ng mga basher ngayon dahil pati teeth ni Heart pinakialaman. Tanong nila kung veneers ba ang teeth nito at kung veneers, maganda raw ang pagkakagawa.

 Samantala, parang nasa Sorsogon si Heart ngayon kasama ang favorite pet dog niyang si Panda. Bukod sa dinalaw nito ang asawang si Gov. Chiz Escudero, tsinek din siguro ni Heart ang paghahanda para sa lock-in taping nila ni Richard Yap at ibang cast ng GMA-7 teleserye na I Left My Heart in Sorsogon na kanilang pagtatambalan.

vuukle comment

JESSICA SOHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with