^
Dominic, parang escort on call lang ni Bea
Dominic

Dominic, parang escort on call lang ni Bea

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 10, 2021 - 12:00am

Maganda naman ang latag ni Bea Alonzo ng present state ng love life niya. Dating pero hindi exclusive, kumbaga walang commitment.

At baka nga very open-minded ang pagtanggap dito ni Dominic Roque, dahil ok lang sa kanya. Very honest naman si Bea how she feels, kaya siguro magkasundo sila.

In the long run, puwede maging mas matibay ang relasyon o puwede ring mawala. At least anumang mangyari sa dulo, walang magiging sumbatan, dahil iyon ang pinag-usapan nila. Hindi exclusive ang dating nila, meaning puwedeng makipag-date sa iba, at kung mas maging matindi ang feelings mo, puwedeng wala na tayo.

Very liberal, siguro nga, natakot na rin sa responsibility si Bea at sa commitment, kaya heto muna ang kanyang ginawang sagot sa nangyari sa kanya. Puwede mong hangaan ang pagiging understanding ni Dominic, na para lang siyang escort on call, pero walang label.

Bongga, very modern way of romance. Kung magiging seryoso, fine and good, kung hindi mag-grow, goodbye lang, wala nang explanation.

Lucky…

Alam mo, Salve, alam ko kung gaano kahirap itong pandemic sa marami. Pero siguro nga, I am one lucky person na ang dami pa ring nagpapakita at nagpaparamdam ng kanilang generosity.

Lagi ko ngang biro na ang dami kong rich Asian friends kaya na-survive ko ang pandemic. ‘Yung friends na laging nandiyan, asking what I need, want or just simply asking kung ano na ang kondisyon ko.

Imagine mo na Susan Co ng SnR, Mang Erning Lim ng UltraMega, chemist Pinky Tobiano, Rhea Tan ng Beautederm, Cris Roque ng Kamiseta, Dra. Vicki Belo, at ang lady of steel na si mama Alice Eduardo. Huwag mo nang isali ang mga alaga ko na halos araw-araw nagtatanong at nagagalit ‘pag lumalabas ako.

Sometimes I feel that the best in people ay lumalabas ‘pag ganitong pandemic.

Nata-touch ang generous heart nila at ang kindness kaya mas naipapakita nila ang pagmamahal. I feel for people na siguro nga nawawalan na ng pag-asa dahil sa nangyayari. Pero like I always say, friends are angels na ibinigay ng heaven sa atin para gumaan ang ating buhay.

Thankful and grateful that God gave me these angels, so lucky to have them around.

BEA ALONZO DOMINIC ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with