^

Pang Movies

Glaiza, walang naramdaman nang magka-COVID

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Glaiza, walang naramdaman nang magka-COVID
Glaiza

Ni-reveal ni Glaiza de Castro na nagpositibo rin siya sa COVID-19. Kuwento ng Kapuso actress sa 24 Oras:  “Pinapakiramdaman ko na ‘yung sarili ko kung meron akong mga nararamdaman, wala at all. Kaya do’n ako nag-quarantine o self-isolate sa condo ko ng mga ilang araw until tumawag na ko sa lab na pwede na kong magpa-reswab, nag-okay naman sila and, thankfully, negative naman po ako.”

Asymptomatic si Glaiza nang tamaan ng COVID-19. Kaya pakiusap niya sa maraming tao na huwag magpakakampante sa panahon ngayon. “Kahit na wala kang nararamdaman o ang result mo ay nag-positive ka at wala kang nararamdaman, you really have to monitor yourself and stay at home.”

Malapit nang mapanood ulit si Glaiza via Nagbabagang Luha kung saan kasama niya sina Rayver Cruz, Claire Castro at Mike Tan.

Jillian, ­kinantahan ang frontliners

Habang wala pang pinagkakaabalahan na teleserye, nag-recording si Jillian Ward ng kanyang tribute sa frontliners.

Inawit ni Jillian ang cover version niya ng Heal The World ni Michael Jackson. Mapapanood ang pag-awit na ito ni Jiliian sa kanyang YouTube channel.

Maraming nagulat sa ganda ng boses ni Jillian na papasa na bilang singer. Bata pa lang naman kasi si Jillian ay mahilig na itong kumanta talaga.

Natatandaan namin noong press launch ni Jillian bilang bida ng teleserye na Trudis Liit noong 2010, inawit niya ang Isang Lahi ni Regine Velasquez at memorize niya ang lyrics at nasa tono siya. Pati birit ni Regine ay nagaya ni Jillian.

Huling napanood si Jillian sa Prima Donnas.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with