^

Pang Movies

Alice, iniwan ang anak sa Amerika!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alice, iniwan ang anak sa Amerika!
Alice

Late na ang mga nagpayo kay Alice Dixson na mag-stay muna siya sa Canada at doon tapusin ang second vaccine niya bago umuwi ng Pilipinas para parehong Pfizer ang vaccine niya. Tapos na kasi ang first dose niya at balak niyang dito na sa bansa gawin ang second shot niya.

Payo sa kanya ng netizens, tapusin muna niya ang second dose niya dahil walang Pfizer sa Pilipinas. Kaya lang, sa nakita naming photo, nasa eroplano na si Alice at pabalik na nga ng bansa. Matagal siyang maghihintay for her second dose na according to her, 3-4 weeks pa.

Kailangan na yatang bumalik ni Alice ng bansa dahil kung tapos na ang lock-in taping nila ng Legal Wives, kailangan naman nilang mag-promote dahil kundi sa last week ng April ay sa first week ng May ang world premiere nito. Isa si Alice sa mga bida ng cultural drama ng GMA 7, dapat kasama siya sa promo.

Samantala, napansin naming walang karga na baby si Alice habang nasa eroplano. Ang ibig bang sabihin, hindi pa niya mauuwi ang kanyang baby na isinilang sa Canada via surrogacy?

Kamukha ng bunsong kapatid...

Close si KC Concepcion sa siblings niya sa amang si Gabby Concepcion at pinayagan din siya ni Gabby na i-post ang photos nina Samantha at Savannah na nakasama niya sa kanyang birthday sa rest house ni Gabby sa Lobo, Batangas.

Ang cute ng sketches ni Samantha na ibinigay kay KC noong birthday nito na may kasama pang letter. Ang isang sketch, may dalawang babae na magkayakap at katabi nito ang sketch ng dalawa pa ring babae na may itinuturong stars sa langit. Ang isang sketch, may dalawang babae pa ring magkayakap at may nakasulat na “you and me.”

Pinost din ni KC ang letter ni Samantha sa kanya na ang sabi, “Dear Ate KC, I am so happy  we finally get to celebrate your birthday with you and that we finally get to see and spend time with you again, after a long time! I wish we get to do this more often & make more memories with each other! Thank you for being the best big sister anyone could ever ask for. LOVE and MISS YOU ALWAYS!!!”

Ang daming nag-tear up nang mabasa ang letter ni Samantha at sagot ni KC sa kapatid. Kamukha ni KC si Samantha at kamukha ni Gabby, maputi rin at makinis at  napansin ng netizens, maganda ang penmanship.

Alwyn at Jennica, may pag-asa pang magkaayos

Ang feeling ng mga nakabasa ng post ni Alwyn Uytingco na “And I was running far away, would I run off the world someday? Nobody knows” at ang post sa kanyang IG Story na “Iniisip ang nakaraan Habang nakalingon sa kinabukasan” ay pagkumpirma niya ito na hiwalay na nga sila ng asawang si Jennica Garcia.

Tapos, mababasa pa ang comment ni Mark Herras na “Dito lang kami kap” at comment ng isang netizen na ‘wag daw sanang mabuwag ang pamilya nila ni Jennica.

In fairness, may photos pa naman ni Jennica sa Instagram ni Alwyn at para sa kanilang mga kaibigan, senyales ito na may pag-asa pang maayos ng dalawa ang kanilang problema.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with