^
Cong, Niña, âdi nagbabago
Cong, Niña

Cong, Niña, ‘di nagbabago

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

Talagang hindi nagbago ang bff nating si Cong. Niña Taduran, Salve. Mula pa noon na ka-tandem siya ni Papa Raffy Tulfo, hanggang ngayong nasa Congress na siya, nanatili si Cong. Nina na kaibigan ng lahat na nakasama niya.

Lagi nga siyang pinupuri nina Cristy Fermin at Mr. Fu dahil consistent sa pagi­ging sweet at very kind niya.

‘Yung dati niyang ginagawa sa programa nila ni Papa Raffy Tulfo na pagtulong, hanggang ngayon, patuloy pa rin.

Talagang ‘yung mga small entrepreneur bilang tulong, bumibili siya ng mga produkto ng mga ito at binibigay sa friends niya.

Talagang mula sa puso ang pagtulong na ginagawa niya. At nakita natin na kahit saan mapunta si Cong. Niña Taduran, ‘yung pagiging sincere niya sa mga kaibigan niya ay hindi nabawasan. Siya ang tipo na kahit tumaas ang posisyon, nasa lupa pa rin ang mga paa.

Love you, Cong. Niña, at promise, saan ka man dalhin ng kapalaran, kasama mo kami sa tabi mo.

Luis at Jessy, ginastusan ang bulaklak

Ang ganda ng wedding pictures na inilabas ni Ricky Lo sa The Philippine STAR nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Kahit pa nga intimate small wedding ang naganap, makikita mo na talagang ginastahan at inayos mabuti ang venue.

Iyon lang buong The Farm at San Benito ay reserved para sa kanila, inayos at dressed up ng mga bulaklak, talagang very special din ang paghahanda nina Luis at Jessy.

Bongga ang formal na suot nila, may stylist, at sure ako na de kalibre ang cate­ring. Very memorable dahil buong pamilya nila naroon, mga mas importanteng saksi ng kanilang special day.

Classy talaga si Luis sa kanyang taste. Imagine mo na civil pa lang ‘yung wedding, grande na. Lalo pa siguro ‘yung gagawin nilang second wedding day nila, mas fabulous pa siguro ito dahil mas matagal ang paghahanda.

Suwerte ni Jessy, na talagang pinaghandaan ang special day nila.

By the way, endorser din pala ng Calcium Cee si Jessy na binigyan yata ng boxes of vitamin C ni Mayette para mas lalong mag-glow ang skin.

Malakas sa social media endorsement si Jessy dahil masipag siya sa pag-post ng products niya.

RAFFY TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with