^
Bea, inamin ang totoong relasyon kay Dominic!
Dominic at Bea

Bea, inamin ang totoong relasyon kay Dominic!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

Finally ay nagsalita na si Bea Alonzo sa tunay na estado ng relasyon nila ni Dominic Roque.

Sa panayam with G3 San Diego for Mega Entertainment, inamin ni Bea that she’s dating Dominic pero hindi pa raw sila.

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating.’ Hindi ko alam kung it will materia­lize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing,” pahayag ni Bea.

Sey pa niya, “but he’s a good guy.”

Ayon pa sa aktres ay happy raw siya sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ngayon although medyo nahihiya pa raw siyang i-share na may special someone na siya.

“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga. And to be honest, akala ko at 33 I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako magse-share kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again, iba-iba rin tayo ng timeline. And maybe I will also get there, but maybe not soon,” she said.

When asked kung in-love ba siya ngayon, sagot ng aktres, “that’s such a big word! I don’t know. But I’ll tell you when I get there…”

Jennylyn, lalabanan ang masamang espiritu

Muling ipapakita ni Jennylyn Mercado ang kahusayan sa pag-arte sa isang natatangging pagganap sa brand-new episode ng Magpakailanman bukas, April 10.

Pinamagatang Sa Kamay ng Fake Healer, gagampanan ng Kapuso Ultimate Actress ang papel ni Mylene na nakipaglaban sa masamang espiritu.

Ayon kay Jennylyn, ito raw ang unang pagkakataon na ginampanan niya ang ganitong klaseng role.

“Ngayon ko lang nagampanan ang ganitong klase na character kaya ito ang pinili ko at very special sa akin ang story. Malapit ‘to sa puso ko kaya sana panoorin ninyo,” pahayag ni Jen.

Huwag palampasin ang outstanding performances ni Jennylyn kasama sina Juancho Trivino and Anthony Falcon sa #MPK’s Sa Kamay ng Fake Healer – under the helm of esteemed director Don Michael Perez, bukas on GMA 7.

BEA ALONZO DOMINIC ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with