^
Sharon, White House ang peg sa pinagagawang bahay!
Sharon

Sharon, White House ang peg sa pinagagawang bahay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

Wala na sigurong local actress na tatalo kay Sharon Cuneta sa palakihan ng walk-in closet dahil kung ang ibang aktres, isang room lang at ang iba sa attic ng bahay ang walk-in closet, si Sharon, isang wing.

Nabanggit ito ni Sharon nang mag-update sa ipinapagawang bahay nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa may Cavite. Post nito, “they are now excavating and starting on the other half of the house, which is MY wing. Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc.- my “She Cave.”

Parang White House lang ang peg na may East Wing at South Wing, ang kay Sharon, “My Wing” at kahit sabihing ka-share ng space nito ang kanyang library, recording studio at studio for vlogs, siguradong malaki pa rin ang area.

One and a half years na lang daw bago matapos ang napakalaking bahay na ang tawag ng netizens ay “Mega House” at may tumawag pang “Mega Mansion.”

Excited na ang fans kapag nagpa-house tour si Sharon na baka abutin ng 10th part dahil comment nga ni Zsa Zsa Padilla, “Wow! So huge!!!”

Tatawagin nila Sharon ang kanilang bahay na Casa Paraiso dahil sabi nga, “I grew up in a house on Paraiso Street in Dasma. We are naming this Casa Paraiso as a tribute to my parents’ house which I loved so much. And C (asa) for Cuneta and P(araiso) for Pangilinan.”

Bea, first breakup si John Lloyd

Ang ganda ng interview ni G3 San Diego kay Bea Alonzo kung saan, inamin ng aktres na na-in love siya kay John Lloyd Cruz na kinonsider niyang kanyang first love. First heartbreak rin niya si John Lloyd dahil never yata naging sila at hanggang love team lang ang kanilang relasyon.

Posible ring nagkaroon ng relasyon sina Bea at John Lloyd, hindi lang nag-work, kaya nag-break. Dahil ito sa nabanggit ni Bea na first heartbreak niya ang aktor.

Sabi ni Bea, “And I think it’s very, very special and I was lucky I was able to experience that type of love.”

Kinilig ang fans nina Bea at John Lloyd sa sinabing ito ng aktres at feeling nila, darating ang panahon na ang dalawa ang magkakatuluyan at pangako ng fans, maghihintay sila sa pagdating ng araw na magkakatuluyan sina Basha at Popoy.

Sanya, hindi tinablan ng prank ni Jak

Tagumpay ang pagpa-prank ni Jak Roberto sa kapatid na si Sanya Lopez nang palabasin ng aktor na nawawala ang sasakyan ng kapatid. Ipapa-upgrade raw dapat ni Sanya ang sasakyan, pero nang aalis na, hindi na niya matagpuan.

Hinanap daw ni Sanya ang sasakyan sa paligid ng bahay at nagpatulong pa sa village guard at dito niya nalamang may naglabas ng kanyang sasakyan.

Nag-worry si Sanya na baka na-carnap ang sasakyan niya. Tuwang-tuwa naman si Jak na big success ang pagpa-prank niya sa kapatid.

Dinala na rin ni Jak sa auto shop ang sasakyan ni Sanya kung saan niya ipapa-upgrade at dito na nahanap ng aktres ang sasakyan. Banggit ni Sanya, kinabahan siya sa pag-iisip na tuluyang nawala ang sasakyan at hindi na nagalit kay Jak dahil ipina-upgrade naman pala.

Samantala, napansin ng viewers ng First Yaya na may Pretty Woman vibe ang eksena nina Sanya at Gabby Concepcion sa Wednesday at Thursday episode ng GMA 7 rom-com dahil sa transformation ni Sanya from a yaya to a beautiful and sexy lady nang dumalo sa inauguration ni President Glenn Acosta (Gabby).

Direk Dom, natakot mapahiya 

Magtatapos this Friday ang #Future episode ng I Can See You sa direction ni Dominic Zapata. Pinuri ang episode mula sa texture, sa story at execution at nabanggit ni direk Dom na ang vision nila ng kanyang team ay gawin itong parang movie para maipalabas man sa ibang bansa, hindi mapapahiya ang Pilipinas.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with