^
Doris, naging pabaya­ sa kalusugan
Doris

Doris, naging pabaya­ sa kalusugan

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

Marami ang natuwa nang mapanood ang veteran broadcast journalist na si Doris Bigornia sa kanilang nightly program sa Teleradyo ni Alvin Elchico sa ABS-CBN, ang SRO, noong nakaraang Martes ng gabi. Ito bale ang first time na nakita siya (from her home) matapos siyang isugod sa pagamutan noong nakaraang February 22, 2021 after a heart attack.

Si Doris ay sumailalim ng triple bypass gayundin ang dialysis procedure due to kidney failure. Diabetic din siya.

Ang award-winning broadcast journalist at dating host ng Mutya ng Masa ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kanya para siya’y gumaling at muling mabigyan ng panibagong buhay.

A single mother to her grown-up daughter na si Nicole, aminado si Doris na naging pabaya siya sa kanyang kalusugan dahil sa kanyang trabaho.

Dahil sa laki ng ginugol sa hospital at medical expenses ni Doris, nag-launch ang kanyang anak na si Nicole ng crowdfunding for her dahil kailangan niyang makalikom ng P1.5M. Dahil well-loved si Doris, marami ang tumugon sa fundraising na binuo ng kanyang anak kaya ganun na lamang ang pasasalamat ng mag-inang Doris at Nicole.

Ima Castro emosyonal sa memorial service ni Arielle

Hindi naiwasan ng West End singer-actress na si Ima Castro ang maging emotional sa virtual memorial service para sa kilalang celebrity fashion designer na si Arielle Agasang na sumakabilang-buhay noong nakaraang April 2, 2021 dahil sa atake sa puso sa edad na 51.

Bago ang madamdaming mensahe ni Ima sa namayapang fashion designer ay inawit niya acapella ang Wind Beneath My Wings ni Bette Midler.

Si Ima ay ilan lamang sa maraming celebrities na very close kay Arielle tulad nina Glydel Mercado, Patricia Javier, Jed Madella, Rochelle Barrameda at marami pang iba. Naging close rin si Arielle sa maraming entertainment writers dahil siya ang naging takbuhan ng mga ito kapag nangangailangan sila ng formal attire.

Bago ang virtual memorial service for Arielle, nagkaroon din ng misa for him sa San Pablo Apostol Parish in Tondo, Manila kahapon ng 10 a.m. on Facebook Live.

Arci at JM, walang pag-asang magka-relasyon

Marami ang sumakay at naniwala na may relasyon na ngayon ang mag-best friends na sina Arci Muñoz at JM de Guzman lalo na nang mag-post ang singer-actress sa kanyang Instagram account na “from best friends to lovers” na inakala ng mga nakabasa ay totoo na. ‘Yun pala ay prank `yun ng mag-best friends na magkasama sa Boracay recently with the singer-actress’ family para sa surprise proposal ng brother ni Arci na si Manolet sa girlfriend nitong si Kris.

Ang bulaklak intended for Kris ay unang ibinigay ni JM kay Arci at sinabi nitong “Matagal na tayong mag-best friends, puwede bang manligaw?” Although tinanggap ni Arci ang bulaklak mula kay JM, agad niya ito inabot sa kanyang brother na si Manolet at saka naman inabot sa kasintahang si Kris sabay luhod for the proposal. Ang buong eksenang ito ay kasama sa vlog ni Arci.

Ang pagkakaibigan nina Arci at JM ay nagsimula pa sa kanyang college days sa University of the Philippines (UP) noong pareho pa silang wala sa showbiz. Although inamin ni JM na naging crush niya noon si Arci, hanggang sa pagiging mag-best friends lamang umabot ang kanilang relasyon.

Sina Arci at JM ay parehong Philippine Air Force reservists at sabay pa silang sumailalim ng training sa PAF.

DORIS BIGORNIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with