^

Jerry Yan, matindi pa ring magpakilig

(Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming Pinoy fans ng Asia­novelas ang kinikilig pa rin kay Jerry Yan sa kanyang comeback TV series na Count Your Lucky Stars (CYLS) na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Ayon sa mga tagasubaybay ng bagong serye ni Jerry, tila ‘walang kupas’ ang aktor na ngayon ay 44 taong gulang na.

Hirit pa ng isang viewer, bagay daw ang role ni Calvin Lu, isang tanyag ngunit supladong fashion designer, kay Jerry.

Matatandaang sumikat si Jerry Yan bilang ang supladong estudyante na si Dao Ming Si sa hit Asian series noon na Meteor Garden. 

Samantala, patok din sa manonood ang tambalang Jerry Yan at Shen Yue, ang Shan Cai ng bagong henerasyon. Ginagampanan ni Shen si Andi Tong, isa ring fashion designer na tila sinusundan ng malas.

Unang pinalabas ang Count Your Lucky Stars sa iWantTFC noong Pebrero at para mas maraming Pilipino pa ang makapanood, pinalalabas na rin ito ng ABS-CBN sa iba’t ibang platforms ma pa online, cable, at free TV.

JERRY YAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with