^
Mga senior citizen, pinababakunahan na!
Mayor Joy

Mga senior citizen, pinababakunahan na!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

Ang bait naman talaga ni Pinky Tobiano. Talagang tinawagan niya ako kung gusto kong magpabakuna sa Quezon City dahil naka-set up na pala ang seniors na tatanggap ng bakuna. Eh siyempre ‘pag biglaan, wala pa ako sa emotional stage kaya hindi ako nag-say yes.

At sabi ko nga, sa PhilStar Media Group ay libre rin tayong bibigyan ng bakuna ni MVP at Papa Miguel Belmonte. Kaya nga sabi ko hayaan nang mauna ‘yung talagang walang ibang source kundi ang ibibigay ng mga city nila.

Maganda raw ang procedures na sinusunod sa QC at maluwag daw ang vaccination center sabi ni Pinky Tobiano na ganun din ang sinabi ni Coun. PM Vargas, dahil talaga raw inasikasong mabuti ni Mayor Joy Belmonte ang proseso nito.

Hindi naman ako matatakot dahil gaya ngayon na pinayagan na ang private sector na bumili ng bakuna, marami na ring mga nagmamalasakit na friends na puwedeng lapitan sa bakuna.

Mabait sa mga kapatid!

Huwag na sanang intrigahin pa si KC Concepcion sa kung sino sa step-siblings niya siya mas close. Sa parehong magulang, kay Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, meron siyang mga kapatid. Siguro dahil nga mas nauna siya sa mga ito at mas matanda siya, kaya parang ate siya ng mga kapatid niya.

Mukha ngang mabait siyang ate, dahil close siya kina Garie at Cloie. Mukha namang may interaction sila ni Frankie, at lately nga may bonding siya sa mga batang kapatid kay Gabby.

So nice of KC na lahat ng kapatid niya ay may connection siya, open siya sa communication, playing ate talaga. Siguro nga, mas close siya sa medyo mas malapit sa edad niya, dahil siyempre ‘pag younger iba rin ang bonding.

Mukhang very loving at very kind si KC as a person, kaya naman sana hindi siya gaanong nasasali sa intriga ng showbiz.

Basta dapat happy siya, dahil mabait siya. Go KC, just live your life.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with