^

EB, tambak pa rin ang ­commercial kahit replay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

Replay man o hindi ang episodes ng Eat Bulaga, marami pa ring TV commercials na umeere sa programa kada araw.

Tigil ang live at taped episodes ngayon ng Bulaga dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Eh dahil ang Bulaga... lang naman ang magandang panoorin sa tanghali, tiis-tiis ang manonood sa haba ng commercial na nakapaloob sa noontime show tuwing commercial gap, huh!

At least, hindi iniwan ng advertisers ang noontime show sa panahon ng pandemya, huh!

Ara, nabiktima ng scammer

Nagbabala si Ara Mina sa publiko tungkol sa mga scammer matapos makatanggap ang mga empleyado ng kahina-hinalang mensahe.

Dismayado si Ara nang madiskubre nang malaman na may nagpapanggap na tao bilang siya. Pinadadalhan ng mensahe ang mga empleyado niya sa kanyang negosyo.

Ibinahagi ni Ara sa kanyang Instagram ang screenshot ng pag-uusap sa text ng scammer at empleyado niya. Sa ganitong panahon ng pandemic,  hindi ko lubos maisip kung bakit may makakagawa pa ng ganitong panloloko.

“Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!” bahagi ng caption ni Ara.

Nagpapasalamat naman si Ara dahil alisto ang kanyang staff at alam ang gagawin sa kaduda-dudang sitwasyon. “Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of the ploys such as this. Be safe, not only against the virus,” dagdag pa ng soon-to-be Mrs. Dave Alamarinez.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with