^

Pang Movies

Anak ni Ruffa umalis ng ‘Pinas, tutuparin ang pangarap sa Amerika!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak ni Ruffa umalis ng �Pinas, tutuparin ang pangarap sa Amerika!

“Don’t do anything damn,” pa-joke na bilin ni Ruffa Gutierrez sa anak na si Lorin  na lumipad na pa-Amerika para tuparin ang mga kanyang pangarap.

Sa post ni Ruffa nang ihatid ang anak sa airport kasama ang isa pang daughtert na si ­Venice, “My baby girl @loringabriella is growing up, graduating high school in June and will fly the nest to follow her dreams real soon.

“@venicebektas and I will always be here for you when you need to rest your wings. I know you just left but come home fast. It’s so quiet here! We love you. ”

Obviously, nagbago ang plano ni Lorin dahil nauna na nitong sinabi na magso-showbiz na siya at hindi muna papasok since online classes pa naman kahit sa US.

MYX and Match, magpapakilig na sa MYX 

Nagsimula na ang virtual dating game show na MYX and Match at matutunghayan si MYX VJ Ai dela Cruz bilang unang searcher sa premiere episode ng programa sa MYX ngayong Biyernes (April 9), 8 p.m.

“Andito kami para mag-spread ng love at mag-bring pa ng love sa mundo,” ani Dora, ang host ng game show na unang nasilip sa Kumu.

Para sa kanya, kakaiba ang game dahil sa pagiging ‘inclusive’ nito na bukas sa mga naghahanap ng pag-ibig anumang gender o gender expression meron sila.

Ang MYX Pop Quiz host nga na si VJ Ai na isang dekada nang walang love life ang unang sumabak sa programa, na sinubukang maghanap ng kanyang ‘match’ sa tatlong nakatagong searchees sa pamamagitan ng iba’t ibang games.

 Hanap ni Ai ang isang tapat at good conversationalist na lalaki na natagpuan niya kay Spartan Guy o Jake Seneres, isang events host, commercial model, at daily kumu streamer na siyang naging winning searchee.

 “Feeling ko talaga ang pinaka-compatible with my personality is Jake,” kwento ni Ai sa kanilang naging virtual getting-to-know date.   

 Ayon naman kay Jake, hindi niya inaasahan na siya ang magwawagi. “All my answers were sincere and I didn’t research anything. I’m surprised ako ang napili.”

Cassy, parang hindi first timer sa aktingan!

 Pinusuan ng netizens ang husay ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa First Yaya.

 Hindi nga kasi mapapansin na unang sabak ito ng Kapuso young actress sa pag-arte. Say ng isang netizen :“Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.” Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with