^
TIPMMG, apektado ulit ng ECQ

TIPMMG, apektado ulit ng ECQ

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 7, 2021 - 12:00am

Tuesday kahapon, Salve. Dapat meron na tayong lunch chitchat nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Dahil nga sa bagong ECQ, heto, wala na naman tayong Take It… Per Minute Me Ganun.

Kalokah talaga ang schedule ng show natin na very dependent sa mga nagaganap sa paligid. ‘Pag medyo mahigpit, wala munang show, balik uli ‘pag medyo ok na nang konti.

Very thankful naman kami na ‘yung followers naming ay hindi kami iniiwan, tuloy pa rin ang suporta. Kaya nga hindi lang sila ang nakaka-miss sa atin, tayo rin miss na miss sila ‘pag walang show.

Sana nga maayos na ang lahat hindi lang para sa show namin, kundi para na rin sa ibang sobra nang apektado ng mga nangyayari.

Kung minsan gusto mo na ring sumuko dahil mukhang sa halip na maayos, lalo pa ngang nagiging seryoso ang mga nagaganap. Sinasabi na mas matindi ang bagong variant, mas grabe ang epekto sa tao, at mas madaling makahawa.

Kaya ingat po tayong lahat, iisa lang ang buhay, kainis na mawawala dahil sa virus ng COVID-19. Dapat huwag tayong magpatalo.   

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with