^
MTRCB, umaasang babalik sa normal ang lahat
Rachel

MTRCB, umaasang babalik sa normal ang lahat

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 6, 2021 - 12:00am

Siguro stressful din kay MTRCB chair Rachel Arenas na hanggang ngayon hindi mo alam ang future ng mga sinehan dahil sa pandemic. Aside from TV at movie productions na affected, nakita rin natin kung paano hindi umandar ang mga movie house.

Siguro tulad din ni FDCP chair Liza Diño, talagang dasal din ng MTRCB na maibalik na sa normal ang lahat.

Dito mo talaga nakita ‘yung malaking epekto ng pandemic sa showbiz industry.

 Pati na nga sa concert scenes, nagulo.

Hay naku, para na ngang hindi real ang lahat, iisipin mo na nightmare o bad dream lang, baka bukas maiba na.

Talagang parang sine, wait mo ang ending, medyo tumatagal pa. 

Mga bakuna, inaabangan na ang proseso ng pamimigay

Kelan ba talaga ang schedule ng bakuna para sa marami? Paano ba malalaman kung babakunahan ka na? Tatawagan ka ng barangay? Ibabalita sa TV o radio? O pupunta ka lang sa City Hall?

Kasi nga, nakikita ko may nagbabakuna sa TV pero hindi ko naman alam kung bakit sila nandun tapos kami wala roon. How do you do it ba? Naku kukulitin ko na ang barangay captain namin ha, bakit parang walang instruction at information?

Dapat talaga malaman ng lahat ang proseso kung paano mababakunahan. Basta ‘yung ayaw ay huwag pilitin, ‘yung gusto, bigyan agad. Dapat bilisan para hindi masira ang bakuna at mapakinabangan.

MTRCB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with