^
Marian at Alden, mabait sa fans!
Alden

Marian at Alden, mabait sa fans!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 5, 2021 - 12:00am

Sa mga local na artista natin, ang nakita ko na very close sa fans nila sina Marian Rivera at Alden Richards. Talagang binibigyan nila ng importansiya at pagmamahal.

Nakita mo noong kasal nina Dingdong Dantes at Marian na meron silang special seats sa church at sa reception. Ganundin si Alden, dahil sa tulong nina mama Ten at Sam talagang kitang-kita na very solid sila at may disiplina.

Magagalang ang fans nila, marunong makipag-usap at marespeto. Kaya tingnan mo naman kung bakit hanggang ngayon nasa itaas pa rin sina Marian at Alden.

Kasi nga, solid ang following nila, hindi sila iniiwan, ipinaglalaban sila at loyal na loyal sa kanila.

Ang laki talaga ng nagagawa ng mga tunay na fans, hindi ‘yung mga eklay lang na sa halip makatulong, nakakasira pa sa artista. Dapat plus factor sila, hindi minus factor. 

Mayor Toby, tumanda ang hitsura sa pagtatrabaho

Talagang very hands on at tutok si Papa Toby Tiangco as mayor ng Navotas mula pa nang mag-umpisa ang pandemic.

Walang oras na hindi siya naka-monitor sa Navotas para ayusin ang kalagayan ng lahat ng kailangan ng mga tao sa kanyang nasasakupan. ‘Yung ayuda para sa mga nahirapan sa pandemic, ‘yung pag-aasikaso ng lahat ng health protocols, ‘yung problema ng online education, kaya nga parang biglang tumanda ang hitsura ng papa Toby dahil sa rami ng problema na hinaharap at pinipilit bigyan ng tamang solusyon.

Salute, Papa Toby Tiangco. Job well done.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with