^

Pang Movies

Bea at Dominic, inuurot na pakakasal na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea at Dominic, inuurot na pakakasal na
Dominic at Bea

Kinilig ang fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque nang biruin ang aktor ng kaibigang si Jon Lucas na “tingin ko ikakasal ka na. Yieee.” Kahit sumagot si Dominic ng “hahaha sira!”

Bale ba, may sumunod pang nagbiro na si Dominic na nga ang susunod na ikakasal at muli, sinagot ni Dominic ng “buang ka dodong.”

Kaya naman biniro na ikakasal na si Dominic dahil white polo ang suot sa pinost niyang larawan at ang caption pa ni Dominic ay “anong tingin mo?”

Pero, tama ang ibang fans na bago magpakasal sina Bea at Dominic, kailangan muna nilang aminin ang kanilang relasyon para puwede na silang mag-post ng photos na magkasama sila at hindi ‘yung crop ang litrato o kaya’y solo-solo na litrato ang pino-post.

Kyline, nakaranas ng discrimination sa director

May following na ang love team nina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix at tinatawag nilang KyGel ang kanilang grupo. Excited na ang grupong ito sa airing ng I Can See You: #Future na magsisimula ngayong Lunes, pagkatapos ng First Yaya.

First full-lenght project ito nina Miguel at Kyline dahil sa Kambal Karibal, kontrabida si Kyline nina Miguel at Bianca Umali. Sa All-Out Sundays naman, hindi acting ang kanilang ginagawa.

Nagpahayag ng tuwa sina Kyline at Miguel na may supporters ang love team nila at

inaming nagulat sila noong una at masaya siya to be working with Miguel again. Happy din na ibinalita ni Kyline na nawala na ang ilangan sa kanila ni Miguel at mas naging close pa nga sila ngayon.

Samantala, may kuwento ng discrimination sa workplace si Kyline noong eight years old siya. Kinukurot daw siya at habang kinukurot, sinasabihang ‘wag iiyak. Pinuna rin ang matigas niyang accent dahil taga-Bicol siya at ang mas masakit kay Kyline at hindi makalimutan, pati mom niya hiniya ng director na hindi pinangalanan.

Nang hindi niya makuha ang accent, ipinatawag ang mom niya at iniharap sa ibang cast para lang kutyain ang accent. Nasaktan si Kyline at mas masakit sa kanya na pati mom niya, ipinahiya. Nasaan na kaya ang director na ‘yun?

Noel, hindi nagpapatalo kay Maja 

Si Noel Comia, Jr., ang kasama ni Maja Salvador sa teleserye ng TV5 na Niña Niño at hindi nagpapahuli kay Maja ang young actor pagdating sa acting. Mahusay ding artista si Noel at nanalo na ng acting award.

Sabi naman ni Noel, honored siya to be working with Maja at wala raw ipinagbago ang aktres mula nang makasama niya sa isang pelikula dati. May konting kaba raw dahil first teleserye niya ito, “ang laking leap ang ginawa kong ito at tinanong ko nga ang sarili ko kung tama ang ginawa ko. Pero, okay naman ang taping namin,” sabi ni Noel.

Maganda ang teaser ng Niña Niño at pareho silang mahusay ni Maja at dahil maganda ang story nito at mahusay na director si Thop Nazareno at mahusay din ang buong cast at buong production team, isang magandang teleserye ang

mapapanood ng Kapatid viewers simula April 5, 7:15 p.m.

Kapamilya stars, lalabas sa GTV

Tinupad ni Ms. Annette Gozon-Valdes ang sinabi na open sa ABS-CBN talents o talents na identified sa Kapamilya Network na open ang GTV sa Kapamilya talents na magtrabaho o tumanggap ng project sa GTV.

Gaya lamang sa Love You Stranger, kabilang sa cast sina Carmi Martin at Alex Medina na madalas sa shows ng ABS-CBN napapanood, pero ngayon, mapapanood sa GTV. Nauna na sa kanilang lumabas sa GTV si Alex Diaz at may mga susunod pa raw sa kanila.

Malapit nang mapanood ang Love You Stranger na pinagbibidahan ng magdyowang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at kasama sa cast si Gil Cuerva. Narito rin sina Tonton Gutierrez at Pen Medina.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with