^
Mga minahal nina Vic at Rudy, walang naging conflict
Vic

Mga minahal nina Vic at Rudy, walang naging conflict

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 4, 2021 - 12:00am

Sa tagal ko sa showbiz, isa sa hinangaan ko pagdating sa pagdadala ng past relationship ay sila Lorna Tolentino, Alma Moreno, Pia Guanio at Pauleen Luna.

Common denominator sa kanila sina Rudy Fernandez at Vic Sotto. O baka dapat din siguro bigyan ng credit sila Rudy at Vic sa pagdadala ng sitwasyon.

Noon ‘pag merong okasyon na invited ni Alma sila Rudy at Lorna, nagpupunta ang dalawa lalo pa ‘pag para ito kay Mark Anthony, anak nila Rudy at Alma.

Sila Vic, Pauleen at Pia magkasama hanggang ngayon sa Eat Bulaga, walang problema, walang ilangan, parang walang nangyari. Para sa kanilang lahat, past is past, we live for the present.

Dapat siguro lahat ng mga nagkahiwalay, tularan iyon mga ginawa nila Rudy, Lorna, Alma, Vic , Pauleen at Pia. Basta nangyari na, tanggapin na, wala na dapat finger pointing, wala na iyon bad memories, start as good friends uli, para everybody happy.

Ang gandang tingnan na lahat sila, friends, walang sumbatan. Dun mo nga makikita ang maturity ng isang tao, iyon pagtanggap niya sa pag nangyari na, nangyari na, walang dapat balikan o isumbat pa.

John lloyd walang pakialam sa relasyong Derek at Ellen

Kahit siguro si John Lloyd Cruz happy for Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Siyempre , priority sa isip niya iyon anak nila na si Elias Modesto. At palagay ko nakita naman niya na tanggap na tanggap ni Derek ang bata at close na rin dito.

Mukha naman mutual at maayos ang naging usapan nila John Lloyd at Ellen, kaya nga hindi problema iyon pagdalaw at paghiram ni John Lloyd sa anak tuwing gusto niyang makita.

Matured at mukhang maayos ang personalidad nila Derek, John Lloyd at Ellen kaya wala akong nakikitang magiging problema kung sakali.

In fact, wala kang narinig na comment kay John Lloyd mula nang maghiwalay sila, ganun din kay Ellen. Maganda kung ganun iyon respeto na ipinakita nila sa isa’t isa.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with