^

Kawalan ng bakante sa mga ospital, katakut-takot na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 31, 2021 - 12:00am

Parang ayaw ko nang ma-imagine kung ano ang lagay ng mga hospital natin ngayon. Kasi lagi kong nababasa sa Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa, pati  sa The Philippine STAR na wala na raw bakante sa mga hospital dahil puno na ng mga pasyente. Horror daw ngayon ang magpunta sa ER ng kahit anong hospital dahil nakapila ang mga pasyente at makikita mo talagang walang bakante sa mga kuwarto.

Kaya ang iba, kung hindi naman masyadong seryoso ang lagay, sinasabihan na sa bahay na lang gamutin at kung puwede ‘yung iba sa online na humingi ng konsulta o gamot.

Grabe talaga para abutin ng punuan ang capacity ng mga hospital, mapa-public o private. Kaya nga mas mabuti na mag-ingat dahil talagang hindi biro ang nararanasan natin ngayon. Kulang na ang nurses, doktor at frontliners, kaya hirap na ang lahat.

Huwag na tayong pasaway para balik-normal na tayo. 

Mga Koreano, hindi priority ang lovelife

Siguro nga, malaking bagay ‘yung mandatory military training ng Koreans kaya malakas ang disiplina nila.

Parang nakakagulat na sa edad na 35 or older pa nga saka lang nila naiisip na magkaroon ng romantic life. Hindi tulad sa stars natin na batang-bata pa meron nang pairing na nangyayari at kung minsan maagang nag-aasawa.

Magugulat ka na si Jo In-sung 40 na at si Lee Joon-gi ay 39 na, pero wah pa dyowa, eh dito sa atin ‘pag ganung edad bibigyan na ng ibang kulay kung bakit single pa rin. Dahil nga siguro sa military training nila, mas kaya nila ang strict na disiplina o puwede ring mas matibay sila sa temptations.

Kaya nagtataka ako kung bakit nawala ang ROTC sa school natin, eh ang ganda ng nagagawang training nito kahit sa posture ng lalaki. Saka hindi na uso ngayon ‘yung mga bata na maagang mag-asawa, dapat alam mo ang res­ponsibilidad ng isang relasyon bago mo pasukin. Dapat kaya mo, financially at emotionally. 

COVID-19 HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with