^
Pelikula ni Snooky, halos dalawang taon nang tengga!
Snooky

Pelikula ni Snooky, halos dalawang taon nang tengga!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 31, 2021 - 12:00am

Ilang taon na palang nakatengga ang pelikula ni Snooky Serna na In The Name of A Mother na dinirek ni Joel Lamangan mula sa Heaven’s Best Entertainment.

Present kami sa naganap na storycon ng movie at sa aming Facebook account, taong 2019 ‘yon nang maganap.

Sa pagkakaalam namin, ilang beses nang na-postpone ang showing nito. Planadong ipalabas ito sa Mother’s Day pero hindi rin natuloy.

Sa totoo lang, hindi lang ito ang movie na produced ng Heaven’s Best Entertainment na hindi pa naipalalabas. Ilan diyan ang movie nina Rita Daniela at Ken Chan. May isa pang movie ito na Fusion.

Aba, ilang milyong piso ang naburo sa mga pelikulang ito, huh!

Malungkot pa rin ang estado ng local movies ngayon. May mga producer namang patuloy na gumagastos sa paggawa ng pelikula. Pero kadalasan nga lang ay sa streaming platform ito napapanood. Mas lamang ang lugi kesa kita sa digital platform dahil marami pa ring manonood na hindi sanay sa bagong sistema ng panonood.

Only time will tell kung kailan sisigla ang local films. Eh may bukas mang mga sinehan sa malls, ang problema ay ang takot at kawalan ng pera mula sa publiko.

Mikee, nami-miss ang prusisyon

Mami-miss ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang taunang prusisyon tuwing Good Friday sa Simbahan ng Santisisima Trinidad sa Balic-Balic, Sampaloc.

Taong 2018 nang huli naming makita si Mikee sa simula ng prusisyon. Baguhan pa lang siya that time. Kasama niya noon ang bagong halal na Manila Mayor Isko Moreno at mga magulang na sina Konsehal Wardee Quintos at asawa niyang dating konsehal Jo Quintos.

Ang imahe ng Birheng Maria na pag-aari ng Quintos Family ng laging ginagamit sa prusisyon tuwing Biyernes Santo.

Nakakalungkot dahil ngayong Mahal na Araw, wala muna ang mga prusisyon at ibang tradisyon.

Pero kahit wala muna ang face-to-face Holy Week traditions, ating isapuso at isaisip ang tunay na kahulugan at mensaheng dala ng Mahal na Araw.

Gayunpaman, a blessed and peaceful Holy Week to all the readers of Pang Masa.

SNOOKY SERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with