^

Pang Movies

Piolo, noon pa relihiyoso!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Piolo, noon pa relihiyoso!
Piolo

Balak daw magpatayo ni Piolo Pascual ng chapel na malapit sa bahay bakasyunan niya sa isang bundok ng Batangas, yes, na kanyang ipinatayo, at kung saan namimirmihan na raw ang kanyang ina, na dating based sa US.

Alam naming relihiyoso itong si Piolo, since years back, nang bagong tayo pa lamang ang Saint Paul Church sa Quezon City, madalas naming makasabay siyang nagpe-pay homage sa chapel ng Blessed Sacrament.

Lately, however, since hindi na namin nakakasabay si Piolo sa nabanggit na simbahan, baka may iba na siyang pinupuntahan.

Kung sabagay, God is everywhere naman, ‘di ba, Salve A.?

Aga, may sariling chapel din noon sa bahay-bakasyunan

May chapel din ang dating bahay-bakasyunan ni Aga Muhlach sa Mataas na Kahoy in Batangas.

Doon namamalagi ang nasira niyang mother na si Anita Aquino, na siyang nag-suggest na magpatayo siya ng chapel tuwing isinasama niya ito roon.

Isa sa madalas na kuwento ni Anita ay nang isinama siya ni Aga sa trip nito sa France at Italy at ipinasyal siya ng anak sa Sanctuary at Grotto ng Our Lady of Lourdes doon.

Angeline, nami-miss ang ritual tuwing Mahal na Araw kasama ang nanay

Mami-miss daw ni Angeline Quinto ang kanyang Mama Bob, yes, her adopted mother, who passed away last November.

Tuwing Holy Week daw kasi, may ritual silang mag-inang ginagawa.

Lalo pa nga raw at sa Sampaloc in Manila, where they used to reside, ay maraming simbahan.

Sobrang religious daw ang kanyang Mama Bob, kaya, somehow may ideya siya where she is now.

Sa kanyang Mama Bob daw idini-dedicate ni Angeline ang kanyang bagong awiting, Huwag Kang Mangamba, na siyang theme song ng series na may ganunding pamagat, at produced by Dreamscape Entertainment.

Nasa cast din ng Huwag Kang Mangamba si Angeline, where she co-stars with Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, Nonie Buencamino at Eula Valdez, among others.

Featured are the members of the Gold Squad, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Istriktong lockdown, umpisa na

For this Holy Week, saan mo balak pumunta, Salve A., since, istriktong lockdown daw na ipinatutupad ng mga kinauukulan, kahit sa mga simbahan.

Well, God will understand.

At sana, pakinggan Niya ang dasal natin na matapos na ang pandemya.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with