^

Pang Movies

Albie, sinagot sa ‘worst COVID response’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May mga artistang tutol sa panibagong lockdown, at natural iyon dahil apektado na naman ang kanilang hanapbuhay. Halos nagsisimula pa lang bumalik ang trabaho sa dati, pero lockdown na naman.
Pero hindi naman kami pabor na sinabi ng male star na si Albie Casiño na ang Pilipinas ang may “worst COVID response.” Maaaring mayroong pagkukulang. Maaari nga ring sabihing may pagkakamali, pero ang bilang ng mga nako-COVID sa Pilipinas, ang pinakamalaking bilang ay siyam na libo sa isang araw. Kung ikukumpara mo iyan sa bansang India, na gumagawa pa man din ng bakuna, ang Covaxin at Covishield, ay nagkakaroon pa ng 20K infection per day, aba eh mas maliit naman tayo roon.
Kaya hindi naman masasabi ng kahit na sino na tayo ang may pinaka-inutil na COVID response. Maaaring mahina o may pagkukulang, pero hindi naman tayo ang pinakamalala.

Endorsement kay Cong. Vi sa National Artist, iba’t iba ang reaksyon

Martes Santo na, pero maski na ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw ay hindi makapigil sa ilang mga taong nanggagalaiti dahil bakit daw nominated si Congresswoman Vilma Santos bilang National Artist. Nagtatanong pa sila, bakit daw si Ate Vi ay ineendorso ng mga kapwa niya pulitiko? Kasabay noon nanawagan pa ang grupo nila na huwag daw iboto sa 2022 ang mga pulitiko na nag-endorso kay Ate Vi bilang National Artist, dahil nakikialam daw iyon sa hindi nila dapat papelan.
Pero hindi ba ang politicians ay nanonood din ng sine at ng telebisyon, bakit naman sila pagbabawalan na sabihin ang kanilang paniniwala. Pero hindi nila sinabi ang ganyan nang si Nora Aunor ay iendorso rin ng namatay nang party list representave na si Rodel Batucabe ng Ako Bicol, o sa pag-eendorso rin ni Party List Representative Niña Taduran ng ACT-CIS na ang dapat lang sanang concern ay pagsugpo sa kriminalidad.
Pero bakit nga ba kailangang manggalaiti sila? Nomination pa lamang naman iyan at hindi pa isang deklarasyon. Natatakot ba silang maideklara nga agad na National Artist si Ate Vi, na halos sigurado namang mangyayari nga dahil hindi naman siya nagkaroon ng kaso at kinikilala ring tapat na lingkod-bayan, kaya nga binigyan din ng pinakamataas na award bilang public official, katumbas ng National Artist, at iyan ay dahil sa rekomendasyon at pag-aaral ng Civil Service Commission.
Nangangahulugan ba iyon na kung magagawaran ng National Artist title si Ate Vi ngayon ay hindi na maaaring maging National Artist si Nora sa mga darating na panahon. Kung iisipin ninyo, hindi naman si Ate Vi ang dahilan kundi ang dalawang magkasunod na pagbasura, noong una ni dating presidente Noynoy, at tapos ni Pangulong Digong naman sa nominasyon ni Nora, at wala silang magagawa dahil iyan ay prerogative ng presidente ng Pilipinas.
Hindi naman unahan iyan eh. Ano ang malay ninyo baka pagkatapos naman ng 2022 magkaroon ng isang presidente na may simpatiya kay Nora at hindi na iintindihin kung ano man ang naging problema niya noong nakaraang panahon.

Baguhang male star na alaga ng baklang pulitiko, hindi apektado ng pandemya

Hindi bothered ang isang baguhang male star kahit na nagkaroon ng lockdown at wala na naman silang trabaho sa telebisyon. “Matagal na rin naman silang walang ibinibigay na trabaho sa akin,”sabi niya tungkol sa kanyang network at management firm. “Humihingi na nga ako ng trabaho kahit na ano,” sabi pa niya.
Pero hindi naman siya nag-aalala kasi “alaga” naman siya ng isang political appointee na berde ang dugo. Iyon ang nagbabayad ng kanyang condo at nagbibigay ng lahat ng kailangan niyang panggastos at luho, sa minsan isang linggong pagdalaw noon sa kanyang condo, o kung isinasama siya sa mga staycation noon sa ibang lugar. Kahit na walang trabaho, bago ang kanyang kotse, at kanyang condo pang-milyonaryo at tiyak na may binatbat ang kanyang guarantor para payagan ang ginawa niyang loan para mabili ang condo.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with