_pang-masa
^

Pang Movies

Eat Bulaga, kumpirmadong may forever

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Eat Bulaga, kumpirmadong may forever
Tito, Vic Sotto and Joey

‘Yung friendship nina Tito, Vic Sotto and Joey de Leon plus Tony Tuviera, halos ilang dekada na. Dahil sa trust, respect and love between them, tingnan mo at 40 plus years na ang Eat Bulaga.

Matibay ang foundation ng friendship nila, wala kang narinig na intriga all these years, walang away. Unconditional trust and respect ang namagitan between Tony, Joey, Tito at Vic.

Kaya naman siguro kahit ang programang Eat Bulaga ay hindi natinag kahit kailan. Pamilya silang lahat, pati staff, technicians, lahat nang kasama nila sa trabaho, they grow old together, sila-sila lang buo na ang party, hindi na kailangang mag-invite ng outsider.

Ang sarap ng ganitong set-up , kasama mo sa trabaho, kaibigan mo at pamilya na ang feeling mo. Hindi na nakapagtataka na baka abutin ng 100 years ang Eat Bulaga, mga apo na ng mga orig ang bubuo ng programa at magiging production staff, bongga ‘di ba!

ECQ 2, ikinawindang

Parang nightmare na naman nang i-declare ang ECQ o enhanced community quarantine. Para bang nagising tayo, natulog uli at bad dream na naman.

Kaloka na Araw ng Palaspas o Palm Sunday pero hindi puwedeng magsimba, mabuti na lang at merong mga online mass.

Ang saya pa naman ng Palm Sunday para sa mga bata dahil ito ang start ng Holy Week, ang mahabang bakasyon. You feel heavy dahil ika-second time na hindi natin nagawa ang mga kinaugalian natin ‘pag Holy Week.

‘Yung confession, ‘yung station of the cross at Visita Iglesia. ‘Yung holy hour ng Good Friday na nasa loob ka nang simbahan for your reflections, soul searching at spiritual nourishment.

Well, ganyan talaga ang buhay, parang box of chocolates, hindi mo alam kung ano ang makukuha mo sa isang kahon.

Imagine, in our lifetime, sa panahon ng modern technology, merong CO­VID-19. Grabe sampal sa lahat, hindi nila inakala na may ganung virus.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with