^

Nursing home na pribado, maraming naghahanap

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 28, 2021 - 12:00am

Siguro dala na rin ng pandemic kung bakit pumasok sa isip ko na sana may mga nursing home dito sa Pilipinas tulad sa USA.

Hindi ba sa abroad, usung-uso na ‘pag walang mag-aalaga sa isang senior dinadala na siya sa nursing home? Dito kasi sa Pinas uso na inaalagaan natin ang mga matandang member ng pamilya. Dun kasi usually, lahat may trabaho at kesa maiwan mag-isa sa bahay iyon matanda dinadala na lang sa nursing homes.

Madalas mga Pilipino ang nasa nursing homes sa abroad.

Dito sa atin sana rin may facilities na tulad nito, iba iyon Home for the Aged. Iyon talagang private, maayos, at titingnan ang mga senior na hindi maasikaso o walang mga kamag-anak na alagaan sila.

Iyon kaya naman magbayad ng ­caregiver na titingin sa kanya at ­magiging home na para sa matanda. Mas maganda pang dun na mag-stay para may kasama lagi, may nag-aalaga, at may mga kasama ing kapwa senior na tulad niya.

Palagay ko, tulad sa abroad ­magiging successful din ang ganitong facility sa atin.

Iyon kay Brother Bo Sanchez, ang Anawim, isa na sa mga ganitong facility na kilalang-kilala, at sana madagdagan pa basta competent lang mga namamahala at maayos ang lugar para sa mga senior.

Marami ang mas magugustuhan ito, lalo pag nabalita na ok ang mga nurse at caregiver ng nursing home.

Sana may mga follower ako magbigay ng info kung meron silang alam na ganitong facility. Dahil marami akong nakausap na mga senior na gusto na ganun na ang gawin, magpaalaga sa nursing homes para hindi na maging abala sa kanilang pamilya. Iyon private, hindi charity.

Concert nakaka-miss panoorin ng live

Marami na talagang nakaka-miss manood ng mga concert. Sayang talaga na affected ng pandemic ang music industry. Isa pa naman sa magandang happy pill sa anumang emotional situation ang music.

Ang sarap sana marinig mga boses nila Martin Nievera, Marco Sison at Mark Bautista sa mga panahong ito.

Iyon hagod nila sa kanta na very uplifting at nakakaalis ng anxiousness. Mga ganitong panahon talagang gusto mo na marinig mga kantang puwede mag-alis ng pangamba mo, takot, hopeless longings sa mga pangyayari.

Naku, hindi na nga cabin fever ang umaatake ngayon, iyon para bang fatalistic na ang tingin mo sa mga pangyayari, iyon que sera sera na, kahit ano na, sige na. Kasi nga parang hindi mo nakikita ang ending, parang tuluy-tuloy na. Kahit na may bakuna na, may problema pa in, bakit ganun? Give us a sign na it will get better.

MARTIN NIEVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with