_pang-masa
^
Kasal na nga?! Luis, hinihiritan nang baby si Jessy
Jessy at Luis

Kasal na nga?! Luis, hinihiritan nang baby si Jessy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 28, 2021 - 12:00am

Lalong tumindi ang ispekulasyon na kasal na nga sina Luis Manzano at Jessy Mendiola nang pag-usapan nila sa latest vlog ng aktres ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Naglaro sina Luis at Jessy “Most Likely To” challenge sa vlog at isa sa tanong na sinagot nila ay  “who wants to have kids first?”

Sagot ni Luis, “ako, ako na ‘yun, most likely to. Given naman ‘yun. Syempre, hindi naman na ako bumabata,” aniya sabay-joke ng “magtu-twenty five na ako next year.”

Sey naman ni Jessy, “Whah, 25? Mas matanda pa ‘ko sa ‘yo? Next month, magpo-forty na siya.”

Paliwanag ni Luis, sa tropa raw niya, karamihan ay may mga anak na. “Kung baga, sa buong barkada ko, sabihin na nating mga kinse kami, parang 12, 13 (may pamilya na), malalaki na nga ‘yung mga anak, actually.

“Tapos ‘yung daddy ko (Luis Manzano), nu’ng pinanganak ako, eh nasa 28 years old yata, same age sina Mommy (Vilma Santos) saka si Daddy.

“Marami kaming nae-enjoy ni Daddy together. Even at this point, di ba? So, parang ‘yun din ang habol ko. Na ‘yung anak natin, marami pa kaming magawa,” sey ni Luis.

Sagot naman ni Jessy, “pero in fairness naman din sa ‘yo, kid at heart ka. Hindi naman immature pero kung baga, ano ka, ‘yung child-like minsan.”

Magkakaiba naman daw ang childish, child-like at immature. Si Luis ay child-like dahil may traits daw na nakaka-relate pa sa kanya ang mga bagets at lapitin siya ng mga bata.

At sa huli, in-assure ni Jessy si Luis na malapit na rin silang magkaroon ng mga tsikiting. “Hayaan mo, soon naman na,” sey ni Jessy kay Luis.

Hinihinalang kasal na ang dalawa dahil na rin sa mensahe ni Angelica Pangilinan kay Luis sa Instagram na nagpasalamat siya sa wedding invitation na pinadala sa kanya.

“Love you Luis and TFTI (thanks for the invite) for your wedding hahaha Congrats son! Can’t forget when you visited us. Love to the wifey (heart emojis),” ang mensahe naman ng misis ni Gary Valenciano kay Luis.

Derek advance ang pa-birthday kay Ellen

Sa April 2 pa ang kaarawan ni Ellen Adarna pero binigyan na siya ng birthday celebration ng boyfriend na si Derek Ramsay.

Ipinost ni Derek ang celebration sa kanyang Instagram story. Makikita na tila nasa isang private restaurant sila with friends habang kinakantahan nila ang celebrant with matching cake.

Makikita rin sa mga video na kasama rin ang anak nina Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias.

Nag-post din ang aktor ng larawan nila ni Ellen na sweet na sweet at sa caption, aniya, “advanced happy birthday Love!!”

Kantyaw ng netizen na “instant daddy” pinatulan ni Derek

Kay Derek pa rin, hindi pinalampas ng aktor ang kantyaw ng isang netizen na instant tatay siya kay Elias. “What is wrong with that?! Single moms are beautiful strong women,” sagot ni Derek.

Oo nga naman. Besides, tatay na rin naman talaga si Derek sa kanyang biological son na si Austin Ramsay. And before Ellen ay naging girlfriend din ng aktor si Joanne Villablanca na isang single mom din.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with