^
Kakai, idinIsplay ang puwet
Kakai

Kakai, idinIsplay ang puwet

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 27, 2021 - 12:00am

Wala namang komento si Kakai Bautista sa isyu sa kanila ng Thai actor na si Mario Maurer. Inabangan na naman namin ang news tungkol dito sa Balitanghali kahapon sa GTV. Sa halip na magsalita, ibinu­yangyang ni Kakai ang kanyang alindog habang nasa beach at naka-swimsuit.

May papuwet pa ang singer-comedienne sa isang litrato sa Instagram na para bang gustong sabihin na, “Puwet ninyo!”

Matatandaang pinadalhan si Kakai through her manager ng sulat mula sa kampo at lawyer ni Mario upang tigilan na ang paggamit sa aktor.

Kesa nga naman masampahan pa ng danyos kapag nagsalita, mas mabuting tumiklop muna ng bibig si Kakai, huh!

Mikee, kanselado ang plano sa Holy Week

Kanselado muna ang Holy Week plans ng Kapuso artist na si Mikee Quintos dahil sa dumaraming cases ng COVID-19.

Maging ang kasal ng nakatatandang kapatid eh na-postpone dahil sa virus. Pangatlo si Mikee sa apat na babaeng magkakapatid. “Pero tuloy pa rin ang kasal! Ha! Ha! Ha! Pabababain muna natin ang virus,” sey ni Mikee sa virtual mediacon ng The Lost Recipe ng GTV na magtatapos na next week.

Magkakaroon din sana ng cast party ang series sa pagtatapos nito. Lahat ng mga unang plano ay bulilyaso dahil sa COVID.

Pero magtapos man ang series sa Holy Wednesday next week, magkakaroon ito ng special airing mula Maundy Thursday hanggang Black Saturday sa GTV.

KAKAI BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with