^

Pang Movies

Pelikula ni Gabby, ginamit ng mga kritiko ng simbahang Katoliko

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagising kami isang madaling araw na ang palabas sa telebisyon ay iyong pelikula ni Gabby Concepcion na Miracle of Love. Ang totoo, hindi namin napanood ang pelikulang iyan noong 1982. Pero alam namin ang kuwento, may leukemia kahit na sa tunay na buhay ang isa sa leading ladies ni Gabby, si Roxanne Abad Santos.

Sa kuwento, nagpunta siya sa grotto ng Lady of Lourdes sa France, gumaling siya at nagmadre. May isa namang magiging madre na rin sana, si Snooky Serna na lumabas at nakipagbalikan at nagpakasal sa dati niyang boyfriend na si Gabby nga sa pelikula.

Iyong pelikula pala, mahigit kalahati ay travelogue lamang. Ipinakita lamang ang pamamasyal sa ilang bansa sa Europe. Matatapos na  ito nang pumasok ang istorya. Pero ang pelikulang iyan ay ginawa “out of faith.” Si Roxanne na siyang may sakit ay hindi naman Katoliko. Iyong kapatid niya ay isang pastor ng protestante. Pero ang kuwento, umaasa siya sa isang milagro sa tulong ng Birhen. Hindi rin naman isang relihiyoso ang director na si Elwood  Perez.

Natatawa nga kami dahil nagkakahalu-halo ang mga dasal. Pero ginawa iyan nina Gabby na siya ring producer ng pelikula dahil sa debosyon ng kanyang ina sa Mahal na Birhen. In fact ang pangalan ng nanay ni Gabby ay Lourdes.

Ipinakita ang mga kaganapan sa mismong grotto sa  Lourdes. Nagdasal doon si Roxanne, pero sa totoong buhay, ni hindi napanood ni Roxanne ang kaisa-isang pelikulang ginawa niya.

Namatay din siya dahil sa sakit niyang leukemia bago pa naipalabas ang pelikula.

Mabilis ang mga kritiko ng simbahang Katoliko, ginamit pa ang pelikula. Sinasabi nilang hindi totoo ang milagro. Hindi rin totoo ang Mahal na Birhen, kasi bakit daw si Roxanne ay dinala pa sa Lourdes namatay din.

Una, ang idinayo roon ni Roxanne ay trabaho, may ginawa silang pelikula.  Pero hindi nasayang ang kanyang panalangin, yumao siyang mapayapa. Hindi na siya kailangang maghirap pa, at hindi maikakailang isang biyaya ng Diyos ang mapayapang kamatayan.

Hindi mo masasabing hindi nangyari ang dasal sa Mahal na Birhen na humihiling na “ipanalangin mo kaming mga makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay.”

Bading na mahalay, pinagsamantalahan ang aktor kahit Biyernes Santo

Hanggang ngayon ay hindi makalimutan ng showbiz gay ang Biyernes Santo kung saan nakasama niya sa tabing dagat, wala pang MOA noon, ang isang actor na ilusyon niya. May problema  raw ang actor kaya ang nangyari bumili sila ng beer sa isang convenience store na nadaanan nila at doon uminom ang actor sa loob ng kotse niya. Iyon namang bading, kahit na Biyernes Santo at sinapian yata ng kung ano, sinamantala ang problema at ang kalasingan ng kasama niyang actor.

Nagtagumpay naman daw ang bading dahil “muling nabuhay” ang actor. Pero ang sabi niya pagkatapos daw noon ay na-guilty siya dahil naalala niya, Biyernes Santo nga pala at bawal kumain ng karne.

Pero ang kabaliwan ng bading, hindi naman daw siya kumain ng karne, ang kinain daw niya ay “dairy products lang.”

Sira ulo talaga iyang bading na iyan. Kahit na mahal na araw, mahalay.

Magbago na naman sana siya, matanda na siya ngayon.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with