^

Pang Movies

Mayor Vico at Rhian, mina-match!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mayor Vico at Rhian, mina-match!
Mayor Vico at Rhian

Nakakatuwa ang ilang netizens, nirereto sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Rhian Ramos dahil bagay daw ang dalawa mula sa looks, height at intelligence. Hindi na rin daw mahihirapan si Rhian na pakisamahan ang mom ni Vico na si Coney Reyes dahil nagkasama sina Rhian at Coney sa katatapos na Love of My Life, primetime series ng GMA 7.

Naging maganda raw ang working relationship nina Rhian at Coney lalo na sa kanilang lock-in taping. Natatandaan ng netizens ang sinabi ni Coney na sa umpisa, akala niya mahirap i-break ang wall ng dalawa, pero nang magkahulihan na sila ng ugali, nag-open up sa kanya si Rhian. “I love her in her own way, she’s lovable.”

Pareho raw single sina Vico at Rhian at kailangan lang may mag-introduce sa kanila at si Coney ‘yun. Hahaha! Ipilit talaga!

Naalala namin, nireto rin ng fans kay Vico si Bea Alonzo nang magkasama sila ni Coney sa Star Ci­nema movie na Four Sisters and a Wedding, wala lang nangyari sa pagrereto ng fans kina Vico at Bea dahil si Gerald Anderson ang na­ging BF ni Bea na ex BF na ngayon.

Digital billboard ni Heart sa Indonesia naman nakabalandra

After Times Square sa New York, sa Indonesia naman makikita ang digital billboard ni Heart Evangelista, this time, para sa isang e-commerce platform na may Birthday Sale. TVC nito ang nasa digital billboard, kaya hindi lang TV viewers ang nakakita kay Heart na pinu-promote ito. Pati nga sa main avenue ng isang parte ng Indonesia, naka-display ang big posters ng Kapuso actress.

Kung nasa panahon lang tayo na binibilang ang endorsements ng mga artista, panalo si Heart dahil sunud-sunod ang endorsements nito. In fairness, hindi lahat ng pinu-promote ni Heart ay pang-fashion at food dahil pati Tiger Balm pinu-promote rin nito.

Dingdong at Marian, kinabog nina Zia at Ziggy sa asim challenge

Sayang at hindi na namin mahanap ang video ng asim challenge nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at mga anak nilang sina Zia at Ziggy. Talung-talo kasi sina Dingdong at Marian ng kanilang mga anak dahil hindi natagalan ang pagkain ng maasim ng hindi malulukot ang mga mukha.

Hindi namin napansin kung ano ang kinain nina Dingdong at Marian pero, nagtapang-tapangan lang pala ang dalawa dahil after a few minutes, nalukot na ang kanilang mga mukha.

Samantalang sina Zia at Ziggy, kampante sa kanilang kinakain. Si Ziggy, hilaw na mangga ang kinakain at si Zia ay kamias at hindi man lang nalukot ang mukha ng mga bagets.

Samantala, regular na naman mapapanood si Dingdong dahil simula Monday (March 29), magsisimula na ang rerun ng Ang Dalawang Mrs. Real nila nina Lovi Poe at Maricel Soriano. Inabangan pati mga nakapanood na ng series ang 23 sampal ni Maricel kay Dingdong.

Pero, bago ang rerun sa Lunes ng Ang Dalawang Mrs. Real, mapapanood pa rin si Dingdong sa Amazing Earth bukas, Sunday (Marso 28) kung saan, mga bagong kuwento ang ipe-feature. Mula sa face mask worth P73.5 M hanggang sa tubig mula sa kuweba na nagpapagaling daw ng may sakit at iba pang feature.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with