^
Martin, may sIkreto kaya hindi nawawala sa showbiz!
Martin

Martin, may sIkreto kaya hindi nawawala sa showbiz!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 26, 2021 - 12:00am

‘Pag pinapanood ko si Martin Nievera sa kanyang talk show sa ANC,  tuwang-tuwa ako. Talagang napaka-witty niya at very funny.

Isa si Martin sa pinakamabait nating celebrity, very pleasant at madaling kausap. Kaya naman tingnan mo kung gaano na siya katagal sa showbiz, ilang dekada na, hanggang ngayon, ‘yung korona niya hindi pa rin maagaw ng iba.

Sayang nga at wala ngayong mga concert kaya sa mga show lang ng ABS-CBN napapanood si Martin. Pero ang mga kanta niya, forever na iyon at hindi na puwedeng mabura pa.

Saka pagdating sa hosting isa sa pinaka-reliable si Martin dahil nga very articulate at kampante ang guest ‘pag siya ang nag-interview.

Martin is not only the Concert King, isa rin siyang magandang example para sa mga celebrity kung paano magtagal ang kanilang career. 

Baguio at Boracay, ­bawal pa ring mapuno

Siguro ‘yung Baguio at Boracay ang puno ng mga taong dating nasa bakasyon ‘pag Holy Week. Kasi nga nagkaroon ng travel ban ang ibang lugar kaya wala silang puwedeng puntahan ngayon kundi local spots natin. Pero may problema rin dahil sa nangyaring bubble, at hindi ba, kahit Boracay at Baguio gusto rin na hindi masyadong ma­ging puno ng tao at maging dahilan ng health nightmare.

Hindi mo naman masisisi ‘yung iba na maghanap ng ibang scenery dahil nga parang nagkaroon na rin ng cabin fever sa tagal ng quarantine at ngayon dagdag higpit na naman.

Lahat naman affected sa mga nangyayari, hindi lang tayo kundi buong mundo. Patience is really a virtue. Kailangan talaga natin ito ngayon.

Habang nagdarasal at reflection, isipin din natin ang mga bagay na nakuha natin dahil dito, mga natutunan natin sa pandemic. 

MARTIN NIEVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with