^

Pang Movies

Janine, imbyerna na rin sa pagtitiis ng mga pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Janine, imbyerna na rin sa pagtitiis ng mga pinoy
Janine

Sinasabi nila, masyado raw nagiging vocal si Janine Gutierrez sa mga kritisismo niya laban sa gobyerno, kaya naman pinag-iinitan din siya ng ilang basher. Sinasabi nilang dakdak daw nang dakdak si Janine at wala namang alam.

Ano nga ba ang gusto niyang mangyari?
Isa lang naman ang sinasabi ni Janine, isang taon na tayong pabalik-balik sa lockdown at wala tayong naririnig kundi magtiis muna tayong lahat.

Ang tanong lang naman niya, talaga bang wala nang magagawa kundi magtiis? Ang punto niya, may dumating na bakuna, bakit hindi pa isaksak iyan sa lahat ng gustong magpabakuna at pilit pang hinihintay ang frontliners na may duda pa sa bakunang gagamitin sa kanila?
Hindi naman pagbatikos iyong kay Janine, iyan ay isang honest question lang. Iyon nga lang may mga taong masyadong sensitive sa sinasabi ng iba.

Gabby, tuloy ang pang-iisnab kay Sharon

Ang sagot ni Sharon Cuneta sa fans na nagtatanong kung kailan sila magtatambal ulit ni Gabby Concepcion ay “siya na lang ang hinihintay namin.”

May idinugtong pa siyang biro, “isnabero iyan eh, hindi ko lang alam kung bakit. Ang alam ko ok lang naman kami.”

Iba ang sitwasyon kasi 2021 na ngayon. Pero natatandaan namin na noong unang bumalik si Gabby sa Pilipinas, matapos ang 13 taong bakasyon sa US dahil sa nangyaring mga kaguluhan noon sa kanyang buhay at career, gusto niyang gumawa sila ng pelikula ni Sharon. Noong magbalik si Gabby, napakalakas pa ng clamor ng fans. Eh kasi naman 2008 iyon, at marami pang fans nila na aktibo pa. Pero ngayon iba na ang sitwasyon. Nariyan pa rin naman ang mga Sharon-Gabby fans pero hindi na sila ganoon kaaktibo. Iyong mga kabataan naman ngayon natural sumusunod sa mga mas batang love teams.

Siguro too late na rin para sa kanilang love team. Nasubukan na rin naman ni Sharon na makipag-team ulit kay Robin Padilla, at noon pelikula nilang dalawa ang sinasabing highest grosser hanggang sa matabunan nga ng isang pelikula ng KathNiel, na nilampasan din ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards na siyang highest grosser film of all time sa ngayon.

Iginawa na rin nila ng pelikula si Sharon, kasama si Richard Gomez, pero mukha talagang hindi na bagay sa kanila ang love teams.

Kung iisipin mo, ano kaya ang kalalabasan kung silang dalawa ni Gabby ang magsasama? Noong una, natatandaan naming si Sharon ang tumatanggi, dahil ang iniisip niya baka ang pagsasama nila sa isang pelikula ay pagmulan pa ng mga tsismis at ayaw niyang maapektuhan ang asawa niya na senador pa naman. Iyon ay sa kabila ng assurance ni Gabby na ayaw rin naman niya ng controversy dahil masaya ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Genevieve Gonzales. Pero noon si Sharon ang tumanggi.

Ngayon nabaliktad ang sitwasyon, mukhang si Gabby ang “up” at kahit na kanino siya itambal sa telebisyon ay mataas ang ratings.

Aktor na mahilig sa junk food, hindi nakatagal sa tsugian

Ang kuwentuhan nila noong isang araw, kaya raw pala iniwan ng syota ang isang young male star ay parang laging nanlalata. Eh noong makakita raw ang girlfriend ng “tigasin at tumatagal” iniwan niya ang boyfriend niyang laging nanlalata.

Eh iyon daw nakitang bago, tested na iyon at lahat ng nakasama noon talagang hindi maka-move on pagkatapos. Hirap kasi silang humanap ng makakatapat sa performance noon.

Ang payo nga ng friends ko, dapat kumain ng tamang pagkain. Iyong masustansiya talaga at nakapagbibigay ng lakas sa katawan. Tapos kailangan din daw umiinom ng vitamins para malakas talaga ang katawan.
Hindi raw tama iyong puro junk food. Hindi dapat na laging hamburger ang kinakain dahil kung ganoon “walang itatagal talaga iyan.” Tama ba?

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with