^

Indie produ, mabilis nakahanap ng bida sa hubarang pelikula!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 25, 2021 - 12:00am

Pila-balde ang ilang kababaihang may porma at hitsura na mag-audition nang dumayo sa isang probinsiya ang isang bagong producer upang gumawa ng indie movie.

Eh mabilisan din kasi ang shooting kaya minabuti ng producer na tumuklas ng mga baguhang puwedeng isabak sa may pagkaseksing pelikula. Walang masyadong artista na kilala sa indie film.

Eh wala namang penetration sa mga love scene. May frontal lang ng private parts ng mga babae.

Palibhasa, nawalan rin ng trabaho ang mga babae sa probinsiya kaya para magkaroon ng pera eh pumayag na ring maghubad sa screen, huh!

Eh, pang-digital platform ang movie at hindi yata sakop ng MTRCB ang pinalalabas sa streaming kaya piyesta sa mata ang kalalakihang kasama sa production habang nagsu-shoot dahil sa walang takot na mga babaeng naghubad!

Maine, hindi pa rin lumulutang sa Eat Bulaga

Missing in action pa rin si Maine Mendoza sa Eat Bulaga hanggang kahapon.

Eh, obviously, taped ang episode kahapon ng Eat Bulaga. ‘Pag live kasi ito, may nakalagay na live sa bandang kanan ng screen ng TV.

Ang balita, nagkaroon ng exposure sa may COVID-19 si Meng. At ang balita, tinatapos na lang daw ni Maine ang quarantine period niya bago sumalang muli sa noontime show.

INDIE MOVIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with