_pang-masa
^
Ivana, dinaig ang mga pulitiko nang magpanggap na nangangailangan!
Ivana

Ivana, dinaig ang mga pulitiko nang magpanggap na nangangailangan!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - March 24, 2021 - 12:00am

Ibang klase ang drama ni Ivana Alawi na sa halip na i-display ang mga mamahaling Hermes bag, nagpanggap siyang taong grasa na kunwari ay nanghihingi ng pamasahe pauwi ng Baguio.

Iba’t ibang halaga ang mga ibinibigay ng mga nilalapitan ni Ivana at hindi makapaniwala ang mga ito sa laki ng halagang kapalit na ibinibigay sa kanila. Libu-libo rin kasi ang halaga ng ipinamimigay ng sexy actress.

Hindi nga nito napigilang maiyak dahil kung sino pa raw ang mahihirap ay sila pa ang sincere na magbigay ng tulong sa kapwa.

Ang daming datung ni Ivana at hindi ito maramot, talagang tumutulong ito sa nangangailangan.

Ang tanong tuloy ng ilan, may balak kaya itong tumakbo ngayong eleksyon?

Well, sabi ng aktres, hindi raw niya type na pasukin ang pulitika.

Amanda, naghahanda sa quarantine

Nakaramdam ng lungkot ang Dancing Queen of the ‘60s na si Amanda Amores. Pupunta na kasi siya ng Guam ngayong darating na buwan ng April para samahan ang ina na may lalakaring mga dokumento. Aabutin daw ng one month doon si Amanda, na first time palang mawawalay sa kanyang pamilya. Hindi naman daw niya puwedeng pabayaan ang ina na lumakad mag-isa dahil senior citizen na ito. Pero ‘yun nga, naka-bubble ang Metro Manila - NCR Plus.

At kung matutuloy, dadaan sa14-day quarantine si Amanda bago umalis at ganun rin pagbalik ng Pilipinas.

At nakakaloka raw siguro sa ganito at ‘pag mag-isa lang lalo’t sanay siyang may kakuwentuhan at katsikahan.

Happy trip, BFF.

Pandemya, maraming pinayaman

Ano ba ‘yang COVID na ‘yan, kung kelan pa dumating ang bakuna saka pa lumobo ang bilang ng mga infected. Maging ang mundo nga ng showbiz ay pinasok na din nito. Bago mag-taping at shooting ay kailangang mag-swab test ang lahat ng involved sa serye. Imagine kung magkano ang halaga ng bawat swab test at balitang tataas pa. Maraming lock-in taping ang nahinto ngayon dahil sa pagkakahawaan ng staff at maging ang mga artista.

Sa totoo lang, parang ginagawang negosyo ang COVID attack sa bansa. Biglang kumita nang malaki ang mga produktong disinfectant, at mga proteksyong gaya ng face mask at face shield. Maging ang mga nahuhuling hindi sumusunod sa safety protocols ay pinagmumulta. Imagine kung bibili ka lang ng isang kilong bigas, mahuhuli ka pa at magmumulta.

Ang tanong ng karamihan, saan nga ba napupunta ang multang nakukuha sa mga nahuhuli?

Nakakaawa naman ang mga naghihirap nating kababayan lalo na ang mga nawalan na naman ng hanapbuhay ngayong ikalawang lockdown.

Matapos ang isang taon na inaakala nating makakabangon na, saka pa muling naulit ang lockdown na tinawag nilang ngayong ‘bubble’. Pilipinas, saan na ba patungo talaga?

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with