_pang-masa
^
Willie, dini-discourage magpulitika!

Willie, dini-discourage magpulitika!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - March 23, 2021 - 12:00am

Marami rin pala ang hindi sang-ayon na kumandidato si Willie Revillame. Hindi raw biro ang pulitika  hindi gaya ng pagiging host na pulos hiyawan, tawanan at bigayan lang ng pera at jacket.

Napakalaking responsibilidad ang pagkakaroon ng posisyon kung saka-sakali. At kapag naging pulitiko na raw si Willie, wala na raw mamimigay ng ayuda sa mga tao.

Baka tuwing eleksyon na lang daw mamigay si Willie ng ayuda para iboto sa susunod na eleksyon gaya ng ibang mga pulitikong ibinoto natin pero matapos maupo sa posisyon ay wala nang paramdam.

Kaya naman marami sa fans nito ang humihiling na sana ay ituloy na lamang ni Willie ang pagtulong at ‘wag nang makigulo sa pulitika.

Nora, tuluyan nang naglaho sa sariling serye

Umaangal pa rin ang ilang Noranians kung bakit daw malapit nang tuldukan ang seryeng Bilangin Ang Bituin Sa Langit pero wala pa ring Superstar Nora Aunor na napapanood.

Hindi raw ba banner star ng serye ang Superstar pero bakit pulos palitan na lang daw ng masasakit na salita at laitan ang madalas na eksena nina Mylene Dizon, Ina Feleo, Yasser Marta, Zoren Legaspi at Kyline Alcantara.

Maganda raw sana ang istorya pero ang gusto raw makita ng mga nanonood ay ang kanilang idolo na tila kina Mylene at Ina na lang daw umiikot ang istorya kung kailan matatapos ang serye.

May mga komento na ginamit lang daw ba si Nora para magkaroon ng bigating casting ang nasabing teleserye?

Eleksyon sa 2022, kinatatakutang hindi matuloy

Nakakalungkot isipin na maging sa mga lock-in taping na ginagawa ngayon ay may pagkakataong nagkakahawaan at nagkakasakit pa rin ng ­COVID-19. Mas kinakaawaan ang mga staff na mababa lang ang talent fee sa gagastusin ng mga ito lalo na kapag nagkasakit at nahawaan.

Isang make-up artist nga raw ang na-assign sa isang taping pero pag-uwi nito ay infected na.

Kung kailan naman dumating na ang bakuna galing China saka lumolobo ang bilang ng mga nagkakasakit.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan ang lahat kaya kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.

Nakakatakot isipin na kung magpatuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID ay posibleng hindi matuloy ang eleksyon na magaganap sa 2022.

Ipagdasal na lang natin ang pagbuti ng lahat.

Devil in disguise talaga ang COVID na ito na napakalaking perwisyo ang dinulot sa buong mundo.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with