^

Sikat na actor, nakabuntis ng young actress na nawala sa serye

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 19, 2021 - 12:00am

 Nagtanong ang isa naming kaibigan kung nabuntis ng isang sikat na aktor ang isang young actress.

 

Nagkasama sa isang series ang aktor at young actress eh sa pagkakaalam namin, nawala bigla sa series ang young actress, huh!

Wala naman kaming alam sa pagkawala ng young actress sa series. Sa mga nabasa namin, goodbye na raw siya.

Pinatay ba, Salve A.?

May kasalukuyang live-in partner ang aktor pero never pa niya itong inamin. Nakatago kasi ang babae at wala pang kumpirmasyon sa tsismis sa kanila ng aktor.

Baka naman gustong magparami ng lahi ng aktor kung totoong nakabuntis na naman siya, huh!

Mikael, naka-relate sa ginawa nina Rhian at Carla!

Nadiskubre ni Rhian Ramos na kikay rin pala si Coney Reyes nang magtagal ang samahan nila sa Kapuso series na Love of My Life.

“I was quite actually intimidated. I thought she was a very serious person pero hayun pala, so fun and has a great sense of humor. Sometimes nga her energy is mataas pa sa akin,” pag-aamin ni Rhian.

Samantala, inihahalintulad naman ni Mikael Daez ang relasyon niya bilang Nikolai kay Kelly sa character ni Rhian (Ramos) noong simula sa relasyon nila ng asawang si Megan Young.

“My relationship with Bone (Megan) was born out of similar kind of fun. I understand ‘yung kilig na nandoon pero hindi nga lang nag-develop sa love gaya ng kay Adelle (Carla Abellana),” rason ni Mikael.

Ngayong gabi ang finale ng Love of My Life kaya abangers kung kaninong kandungan mapupunta ang character ni Mikael, huh!

PREGNANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with