_pang-masa
^

Pang Movies

Boy Abunda, aarangkada na uli

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Boy Abunda, aarangkada na uli
Boy

Handa na ang King of Talk na si Boy Abunda para sa mas pinabonggang usapan sa kanyang showbiz-oriented online show na The Best Talk ng FYE Channel sa pagbabalik nito sa Pinoy livestreaming app na Kumu para sa ikalawang season na magsisimula sa Sabado (March 20), 9 p.m.

“Expect some entertainment, some fun, some laughter,” ayon sa Kapamilya host. “Bigger and better kasi ngayon it’s more structured,” dagdag pa niya.

Kapana-panabik ang magiging kuwentuhan ni Boy kasama ang Pinoy Big Brother Connect Big Winner na si Liofer Pinatacan sa episode ngayong Sabado na sasamahan din nila 2nd Big Placer Andrea Abaya, 3rd Big Placer Kobie Brown, at 4th Big Placer Jie-Ann Armero.

Para sa bagong season nito, sisimulan ng award-winning host ang The Best Talk sa KumuNow segment tampok ang maikling commentary tungkol sa trending celebrity news ngayon.

Susundan naman ito ng Drop and Ask na magbibigay ng pagkakataon sa Kumunizens na makapagtanong kapag nag-drop sila ng Miss Kumuniverse virtual gift sa tamang oras.

Siyempre highlight ng programa ang Kumustahan with Boy kung saan makakapanayam niya ang tampok na celebrity guests at matatanong ng questions na nagsisimula sa ‘kumusta.’ Kikilalanin din niya ang mga sumisikat na streamers na handang ibida ang kanilang mga talento sa May K Ka! portion.

Babalikan din ni Boy ang insights, quotable quotes, at iba pang learnings mula sa episode sa K-Talk segment bago magtapos ang programa. Kwento niya, “May K Talk din where we synthesize the show, the things I learned, how much fun the audience had. Kasi the good thing about this platform is immediate ang reaction na nakukuha natin mula sa ating tagapanood.”

Magkakaroon din ng 15-minute pre-show kada episode kung kailan babatiin niya ang mga manonood at magbibigay ng special shoutouts.

Gardo, gustong mag-wine habang nakikinig sa nagpa-piano na walang ulo

Kung meron mang isang namayapa na gustong makausap si Gardo Versoza, si Christine Dacera ‘yun.

At ang itatanong daw niya, sino ang nasa kabilang hotel room kung saan nga ito (Christine) natagpuang walang buhay.

Ito ang naging sagot ng actor kahapon sa media confirence para sa digital movie nilang Biyernes Santo na mag-uumpisang mapanood sa March 26 sa streaming platform na Vivamax.

Sinasabing isang anak ng diumano’y mataas na government official ang nasa katabing kuwarto ng namayapang flight attendant though wala ngang confirmation tungkol dito.

Eh ano naman ang nakakatakot na experience niya while filming Biyernes Santo?

“May narinig ako na tumutugtog ng piano, actually maganda naman ‘yung tugtog, puwede mo pakinggan habang nagwa-wine until nabanggit na lang sa’kin na may nakakita doong tumutugtog na taong walang ulo! Sayang nga hindi ko siya na-meet,” ang cool na chika ng actor na aminadong nangongolekta nga ng high heels dahil sa TikTok.

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with