^

Pang Movies

Aktor, na-COVID-19 sa pakiki-party

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isa raw aktor ang positibo sa COVID-19 at ang sabi, sa pagdalo sa party ang rason kung bakit nahawa ang aktor. Katsi-check lang namin sa socmed account ng aktor at nag-post ng picture na nagpa-swab test siya para sa gagawing bagong show sa isang network.

Naku, kapag nagsimula na any day ang lock-in taping ng bagong show at kapag hindi pa gumaling ang aktor, hindi siya makakasama sa bagong show, tsutsugihin siya tiyak sa cast.

Kasi naman, matigas din ang ulo ng aktor. Napagod na yata na nasa bahay lang siya, ayun naki-party daw at pag-uwi from the party, may dalang virus.

May mga anak pa naman ang aktor at mga bata pa, kaya nagsisi tiyak ito.

JD, payag maging yaya ni Cassy

Ang cute ni JD Domagoso sa sagot kung kanino siya papayag maging yaya sakaling magyayaya siya? Ang bilis ng sagot nitong “kay Cassy ko gustong maging yaya” para raw lagi niya itong nakikita at nakakasama.

Dagdag pa ni JD, bilang yaya ni Cassy, hindi lang niya ito sasamahan sa mga lakad. Siya rin  ang maghahanda ng food ni Cassy at magbibigay ng mga kailangan. Alam ni JD na brown rice ang kanin na kinakain ni Cassy dahil nakita niya ang baon nito sa kanilang lock-in taping ng First Yaya at alam niyang hindi lang basta isinasaing ang brown rice. Ibinababad muna para lumambot, bagay na willing gawin ni JD.

Hindi pa lumalabas ang karakter ni JD sa First Yaya bilang si Jonas na classmate ba o school mate ni Nina (Cassy). Hindi pa napapanood ang chemistry nila na sabi ng dalawa, nakita ng staff at crew at kinilig sa kanilang dalawa. Tingnan natin kung sa unang eksena pa lang nila ay lumabas na ang chemistry nila.

Samantala, masaya ang cast ng First Yaya sa mataas na rating nito sa pilot episode at sa positive feedback ng viewers.

Rhian, singer na rin

Marunong palang mag-play ng drums si Rhian Ramos, nakita namin sa Instagram Story niya na nagpe-play siya ng drums at sinabayan pa ng kanta ng Maroon 5 na She Will Be Loved. Una nang ipinakita ni Rhian na kumakanta siya at napapadalas na sa All-Out Sundays. Maganda siguro na after Love of My Life (LOML), role naman ng isang singer ang gagampanan ni Rhian, babagay sa kanya.

And speaking of LOML, muling pinatunayan ni Rhian sa drama series na magaling siyang artista. Ang husay niya bilang si Kelly, single mom, bratty, matapang, pero palaban. Kahit medyo kontrabida ang role niya minahal siya ng viewers.

In fact, sa last few days ng LOML, nabaling sa kanya ang simpatiya ng viewers, sa kanya na naaawa ang manonood at gusto na nilang si Kelly ang makatuluyan ni Nikolai (Mikael Daez) at hindi na si Adelle (Carla Abellana).

GMA, hindi pinatos si Maja

Vague ang sagot ni Maja Salvador sa tanong kung in-offeran ba siya ng GMA 7. Hindi “yes” or “no” ang sagot nito, kundi nagpapasalamat daw siya na marami pa rin ang nagmamahal sa kanya.

Ang dating ng mga nakabasa sa kanyang sagot, may offer nga sa kanya ang Kapuso Network, hindi lang nagkaayos ang pag-uusap, kaya hindi siya natuloy. Ang nabasa namin, itinanggi ng GMA 7 na kinukuha nila si Maja at nagulat nga raw ang bosses kung bakit may kumalat na ganu’ng tsika.

Ang narinig naman namin, ang BF ni Maja na si Rambo Nuñez ang nakipag-usap sa GMA Network, pero dahil wala pa rin sa Kapuso Network si Maja, ibig sabihin, wala ring nangyari sa pakikipag-usap nito.

Sa TV5 pa rin ang dalawang TV shows ni Maja na produced ng Cignal at TV5 at line produced ng Cornerstone at Spring Films.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with